uN4n6 kHu@Bab4L@gH4N

20 4 5
                                    

First.
---
Eyerin's Point Of View | Alternative Universe

"Bakla! Bakit ganoon si Pure? Nawi-wirdohan ako bakla." Lumapit ako kay Sacker at sinamahan siyang mag-hapunan. "Malay ko din, tanong mo si Lake baka may ginawa sila ni-"

"Lapastangan! HAHAHAHA!" Pinalo ko siya at sabay kaming nagtawanan. "Pero seryoso, may ideya ka ba kung bakit nagka-ganoon si Pure? Kahapon lang ay sinasamahan niya ako mag-ensayo ng kakayahan namin at masaya pa siya." Umiling ulit siya, "Aywan ko nga, bakla."

Kahapon nga kasi katulad ng aking nabanggit, masaya pa siya at hindi siya iyong para bang wala sa katawan niya, sabihin na natin iyong mga naririnig ko sa mga tao na 'out of place' ba iyon? Ah basta! Para talaga siyang wala sa mundo at lumilipad ang utak niya.

"Nevermind na bakla!" Bigla akong napa-kunot ng noo, "Bakla, anong nevermind?" Tumawa siya nang mahinhin. "Ibig sabihin noon bakla ay baliwalain na natin ang topic na iyan." Kumunot muling ang noo ko. "Topic? Huh? Ano iyon?" Narinig ko na ang mga pinagbabanggit niya sa mga taong normal pero hindi ko alam kung ano ibig sabihin.

"Hay na'ko, bakla, pinag-uusapan ang ibig sabihin noon." Umiling-iling siya. "Ayan sige! Huwag ka pang sumipot tuwing may misyon ka sa mundo ng mga tao." Napa-nguso na lamang ako. Nakaka-tamad kasi.

"Eyerin Melton!" Narinig ko ang mapaglarong boses ni Vamp Melton. Ang manlalaro ng mga babae sa akademya. "Hoy Vamp! Anong Eyerin Melton?!" Inis kong sigaw pabalik. "Biro lang! Huwag kang aasa na magiging asawa kita, ha?" Lalo akong nainis pero buti nalang pinigilan ako ni Sacker. Tss, nakaka-buwisit naman! Sira na ang gabi ko! Huhu!

Bigla namang dumating si Hunk El Greco, ang kasintahan ni Eager. "Sacker! Eyerin! Nakita niyo ba si Eager?" Umiling kami pareho. "Wala, hindi namin siya napansin e, bakit mo ba siya hinahanap?" Sabi ni Sacker, at bigla nalang may namuong selos sa aking mga mata.

"'Andito naman ako ah? Bakit ka naghahanap ng iba?" Bulong ko. "May sinasabi ka, Eye?" Umiling nalang ako at tumingin muli kay Hunk. "Bakit mo ba siya hinahanap?" Pineke ko ang ngiti ko.

"Wala lang, nag-aalala lang ako haha." Bigla nalang nangisay itong si Sacker, pinilit ko ding kiligin para sa kaibigan ko pero mas angat ang selos ko. "Ah sige, tignan mo nalang doon sa kwarto niya! Bilisan mo at baka mas lalong mangisay itong si Sacker sa kilig! HAHAHAHA!" Natawa nalang din siya at tumakbo na papalayo.

Masakit, lalo na't sa pinaka-malapit mo pang kaibigan ang napusuan niya, ng napusuan mo. Wala naman akong magagawa, ayoko maging panira sa kasiyahan nila.

Sunod namang dumating si Slade. Ang 'Campus Gay' ika nga nila, halata naman sa kilos niya pero alam kong lalaki parin iyang si Slade lalo na't nabasa ko ang kwaderno niyang naglalaman ng mga sikreto niya, isa na doon ang nagustuhan niyang babae.

"Mga baklaaaa!" Ang matinis niyang boses ang sumalubong saamin. "Hay jusko Slade! Ano ba iyon?" Tanong ni Sacker. "Wala si Whale! May misyon sa-"

"Lapastangan ka Sacker bebe! Tatanungin ko lang kung may burger kayo?" Burger, alam ko iyon kasi nasa listahan iyon ng kainan ng akademya. "Ay ito oh." Binigay ko sakaniya ang hindi pa nagagalawa na burger ko. "And sprite!" Natawa kami ni Sacker dahil sa linya niyang iyon. Lagi niya iyon sinasabi kahit na alam niyang wala iyon dito at sa mundo ng mga tao lang meron iyon.

"Layas na nga! HAHAHAHA!"

Bigla nalang dumating si Pure. "Pure! Halika dito oh!" Ayan nanaman siya, para siyang bago sa akademya. "Ano ba Pure! Sinong sumapi sa iyo at ganiyan ka? Uy, baka naman bumaba ang abilidad at kapangyarihan mo!" Sabi ko at inalog-alog siya. "Eyerin, hehe." Napa-kamot ng ulo si Pure, "Nasa'n si Lia? Dala mo ba? Hala please Eyerin naman!" Bigla akong naguluhan.

Laceful AcademyWhere stories live. Discover now