Chapter 2 : HIM with a Song

31 1 4
                                    

Third Person's POV

Pumunta sina Rox at Zoe sa next class nila at doon nalang din didiretso si Lauren.

Pagkaupo nila sa mga upuan nila pumasok na din sa room si Shawn kasama ang barkada niya, umupo ang mga ito sa may back row.

"Bes ang gwapo talaga ni Papa Shawn!, kahit no smile kering keri lang!" Sabi ni Rox kay Zoe habang tumitingin ng palihim kay Shawn.

"Tama ka! Tapos ang talented niya pa, and responsible din siya , nasa kaniya na ang lahat." Sitsit ni Zoe kay Rox, oo fangirl din si Zoe ni Shawn kaso yung sakto lang hindi kamukha na pagkaobsessed ni Rox.

"Naku! Kapag nginitian niya ako pwede na akong mamatay! As in!" Wala ni Rox.

Tinatawanan lang siya ni Zoe kasi hindi pa rin ito tumitigil sa pagsasalita tungkol kay Shawn, nagopen ang pinto at lumabas mula dun ang isang Lauren na abot tenga ang ngiti at nasa likod niya si Blake, halos magkasabay silang nakapasok. Tinaas ni Rox ang kamay niya para mahanap sila ni Lauren.

"Cass! Mabuti magkasabay kayo ni Blake?" Tanong ni Zoe

"Oo nga! Kayo ah! Anong meron?" Panunuksong tanong ni Rox

"Ano ba! Nagkasabay lang siguro talaga kami, kayo tumigil na kayo sa panunukso diyan ah!" Sabi ni Lauren habang paupo siya sa seat niya habang bitbit ang matamis niyang ngiti

Si Blake naman ang pinagdiskitahan ng dalawa ng makalapit ito sa pwesto nila.

"Blake! Bakit kayo magkasama ni Lauren? Ayieeeeee!" Sabi nanaman ni Rox

"Ah! Nagkasabay lang kami oo ganun nga Hahahaha!" Awkward na sagot ni Blake

"Kung nagkasabay nga kayo saan ka naman galing? Bigla ka nalang din nawala nung umalis si Lauren." Puna naman ni Zoe

"Ano, hmmm May inasikaso lang ako." Sagot ni blair na ngayon ay namumutla na

"Okay ka lang ba? Namumutla ka! Saka ano ba ginawa mo?" Sagot ni Rox

"Wa-la! Tumigil na nga kayo." Sagot ni Blake tapos iniwan sila at umupo sa pwesto niya sa likod ni Rox

"Hala na bad mood ata.." sabi ni Zoe kay Rox

"Hayaan mo siya, baka may dalaw siya ngayon." Walang pakialam na sagot ni Rox halata din ang inis sa mukha niya ngayon

"Pero ang weird niya ngayon... ano kayang ginawa niya?" Curious na tanong ni Zoe

"Huwag ka ng magtanong! bahala siya sa buhay niya!" Medyo pasigaw na sagot ni Rox

"Oh! Easy lang, shut up na ako." Sabi ni Zoe

"Ang bipolar ng mga kaibigan ko." Sitsit ni Zoe sa sarili niya

"May sinasabi ka?" Tanong ni Rox

"Wala sabi ko ang tagal ni ma'am." Pagdadahilan ni Zoe

At hindi nagtagal dumating na ang Teacher nila

HIS POV

Muntik na akong mahuli dun mabuti nalang nagawan ko pa ng paraan....

Lauren's POV

Pagpasok ko ng room nakita ko na kung saan naka upo sina Zoe pero yung nga baliw paglapit ko sa kanila tinukso ba naman ako kay Blake pero friend ko lang naman siya, hinyaan ko na sila at pumunta na ako sa seat ko which is sa tabi ni Tyrone at ang nakakatawa second subject palang namin at natutulog na agad siya, nakita ko naman na nagkakagulo sila Zoe at nagmalawalk out pa si Blake, anong nangyari? Malayo ng 2 rows yung seat ko sa kanila pero okay lang magkikita din kami mamaya.

HIDDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon