chapter 22.2

175 7 5
                                    

Kaira's POV

1 week na ang lumipas at sa loob ng 1 linggo na yun walang ibang ginawa si amber kundi ang dumikit at magpacute kay kazuki,at ito pa ang nakakainis itong kazuki na to pinapansin nman si amber parang dati lng ayaw na ayaw nyang lumalapit ung lintang yun sakanya pero ngayon parang wala syang girlfriend na kasama eh!bwisit!!

Pero bakit nga ba ako naiinis?sa totoo lng hndi ko din alam eh,basta ang alam ko lng ayokong may dumidikit kay kazuki na kahit sinong babae lalong lalo na si amber.

Dahil alam kong maganda si amber,mayaman,at sexy siya ung tipo ng babae na ba bagay kay kazuki hndi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa iniisip kong ito pero eto naman kasi ang totoo right?

At sa loob ng 1 linggong din yun ay si Nathan lng ang kasama ko at nakakausap dahil pansin ko ang pag iwas sakin ni kazuki,at ayaw ko din nman na ako ung unang mag approach sakanya dahil wala nman akong masamang nagawa sakanya. Ewan ko ba Simula nung paggising ko nung unang dating nmin dito ramdam ko na ang pag iwas nya at isa lng ang masasabi ko ayoko nun

Ayoko na hndi nya ako pinapansin at ung ibang babae pinapansin nya

Ayoko din na iniiwasan nya ako dahil may part sa puso ko na masakit at feeling ko hndi kumpleto ang araw ko kapag hndi ko siya maka usap o maasar man lng

Hndi ko na alam ang mga nararamdaman ko,lately nakakaramdam ako ng ibang feeling kapag kasama ko si kazuki,gaya ng bumibilis ung tibok ng puso ko parang may nagliliparang paru paro sa tyan ko at sa tuwing magkakadikit kami o mahawakan ko man lng ang kamay nya nakakaramdam ako ng kuryente

Aishh,tapos ngayon nman sobrang lungkot ko dahil sa cold treatment na ibinibigay nya sakin,madalas ko din syang iniisip at sa totoo lng namimiss ko na sya.Parang anytime gusto kong umiyak dahil nalilito na ako sa mga nararamdaman ko para sakanya

"Best yuhoo!!okay ka lng ba?" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na yun,nakita ko si riah na nakaupo katabi ko,tsk hndi ko namalayan dahil lutang na nman ako hayysss

Nandito kami sa may farm malapit sa bahay na tinutuluyan nmin,maaga pa lng ngayon at karamihan sa mga kaklase ko ay tulog pa pero ako hndi na makatulog kaya dumiretso ako dito para lumanghap ng sariwang hangin

"O-okay lng ako best,he he" sabi ko at tumingin ulit sa kulay berdeng palayan

"Alam mo best,pwede mong sabihin sakin ang lahat dahil best friends tayo eh kaya kung ano man yang nasa isip mo sabihin mo na para matulungan kita.Hndi ung lagi kang lutang" seryosong sabi ni riah kaya napabuntong hininga nlng ako dahil tama nman sya best friend ko sya at siguro nga matutulungan nya ako sa problema ko

"Best ano kasi eh,*buntong hininga*okay lately kasi ano may iba akong nararamdaman para kay kazuki at hndi ko alam kung anong ibig sabihin nun dahil first time ko syang naramdaman para sa isang tao" seryoso ko ding sabi sakanya,agad nman nanlaki ung mga mata nya at tumingin sakin ng seryoso

"Omg,anong klaseng nararamdaman?" Tanong nya pa

"Okay,kapag nakikita ko sya bumibilis ung tibok ng puso ko tapos may mga paru parong nagliliparan sa tiyan ko tapos kapag nagkakahawak kami nakakaramdam ako ng kuryente.Hndi lng yun ngayon nman lagi ko syang iniisip dahil feeling ko iniiwasan nya ako at may part sa puso ko na sumasakit dahil sa cold treatment nya.Best hndi ko na tlaga alam kung ano tong nararamdaman ko sakanya! naloloka na ako kakaisip kung bakit ganito nararamdaman ko sakanya pero pag sa iba nman normal lng!best tulungan mo ako!"medyo oa na pagkukwento ko sakanya,at ang loka tumawa lng at ngumiti.bruhang to hndi niya ba alam na hirap na hirap na nga ako sa pageexplain tas sya tatawa lng,pigilan nyo ko baka mabugbog ko yan ng wla sa oras!

Falling In Love With a NERD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon