chapter 24 (part 2)

49 1 3
                                    

Kaira's POV

Ang makulit na si Chin ay nagyaya na maglaro ng tagu-taguan kasi naiinip na daw siya dito sa kwarto. Dahil wala rin naman kaming ginagawa eh pumayag na kami ni kazuki.

"Ako na lang po ang taya! Galingan niyo po magtago kasi magaling po ako maghanap.''masiglang sabi ni chin saka siya humarap sa pader at nagsimulang magbilang.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto namin, dalawang kabinet, isang cr at isang malaking bintana na may makapal na kurtina na nasa gilid nito.

Tumingin naman ako kay kazuki na nakatingin pala sakin, nailang naman ako dahil kakaiba ang paraan niya ng pagtingin pero hndi naman pangmanyak basta iba eh.

''Ahm mauna na akong magtago ah? ''Pabulong na sabi ko sakanya, hndi ko na siya hinintay na sumagot at agad akong nagpunta sa may kurtina para magtago.

''K-kaira, dito na lang din ako please? ''Nabigla naman ako ng bigla niyang hawiin ang kurtina at nagsalita.

''H-ha? Ahm ano sa iba ka na lang kasi hndi tayo kasya dito.'' Hndi makatingin na sabi ko sakanya.

''Eh ayaw ko, gusto ko dito eh.''napatingin naman ako sakanya ng sabihin niya yun, nakanguso siya habang sinasabi yun shet ankyut niya. Ayts! Ano ba tong sinasabi ko?

''Ate kaira! Kuya halimaw! Ready nako! ''Sigaw ni Chin, nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na hinila si kasuki patago sa kurtina.

Magkaharap kami, at sobrang lapit namin sa isa't isa.As in sobrang lapit talaga. Nakasandal ako sa pader at nakahawak sa shirt niya samantalang siya naman ay nakatukod ang magkabila nyang braso sa pader.

Ramdam na ramdam ko ang sobrang bilis na pagtibok ng puso ko, kinakabahan ako dahil baka marinig niya rin ito dahil sa sobrang lakas. At isa pang bumabagabag sakin ay ang paraan niya ng pagtitig, sigurado ako kahit na hndi ko siya tignan ay kanina pa siya nakatitig sakin na para bang kinakabisa ang bawat parte ng mukha ko.

''Look at me.''mahinang sambit niya, mas lalong tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa lambing ng pagkakabigkas niya ng mga katagang iyon.

Hndi ako sanay sa ganoong tono ng pananalita niya, masyado itong malambing na taliwas sa nakasanayan ko sakanya.

Sa halip na sundin siya ay tinagilid ko ang mukha ko at nagbaba ng tingin, hndi ko kaya ang pinapagawa niya dahil sigurado ako sa oras na tumingin ako sa mga mata niya ay mararamdaman ko na naman ang kakaibang pakirandam na sakanya ko lng nararamdaman.

Ngunit ganun na lang ang gulat ko ng gamit ang isa biyang braso ay bigla niya akong hinapit papalapit sakanya, dahil narin sa gulat ay napatingin ako sakanya na sana ay hndi ko na lang ginawa dahil sa pagkakataon na nagtama ang mga mata namin ay satingin ko ay nahipnotismo ako nito.


Masyadong madaming emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya, hndi ako sanay dito dahil madalas na blangko ang ekspresyon nito. Ni hindi nga ako sigurado kung totoong saya, pananabik at pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata niya. Kaya imbis na magisip ng kung ano ano ay minabuti ko na lamang na magbaba ng tingin dahil hndi ko kayang titigan siya ng matagal.

''B-bakit ba ang lapit mo?''kahit pautal utal ay mahinang naisambit ko.

Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya, hndi ko alam ang gagawin ko kaya napapikit ako. Hinintay ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko ngunit hndi ito nangyari sahalip ay naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko.

Hndi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako pumikit at nagasam na hahalikan niya ako, gusto kong batukan ang sarili dahil sa naisip ko.

''Because that kid is looking for us right?unless you're expecting for another reason? ''Naramdaman ko ang mainit na hininga nito kaya napapikit ako ng mariin, ngunit ng dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas para itulak siya palayo sakin.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa hiya, hndi ko rin nman alam sa sarili ko kung bakit ako nag aasam ng ibang rason mula sakanya. Hndi ko mapigilang mainis sakanya ng walang dahilan.

''H-hndi mo naman kailangan na l-lumapit sakin ng ganun kalapit.''mahinang ani ko parin, iniiwasang marinig kami ni Chin.

''Ate Kaira, kuya halimaw nasan na kayo? !''nagukat ako ng bigla kong marinig ang boses ni Chin malapit samin pero mas nagulat ako ng hapitin na naman ako ni Kazuki ng mas malapit kesa sa nauna.


Gulat akong napatingin sakanya habang nakahawak ang magkabila kong kamay sa dibdib niya, napaiwas agad ako ng tingin dahil sa paraan niya ng pagtitig hndi ko kayang tagalan iyon dahil masyadong nakakalunod.

''Look at me darling..''nagugulat na napatingin ako sakanya dahil sa malambing na pagtawag niya at sa kung ano ang itinawag niya sakin. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko at at ang pamumula ng mga psingi ko.


Hndi ko alam kung paano ko natagalan ang titigan ang mga mata niya, naramdaman ko na lamang ang paglapit ng mukha niya sakin at sa pagkakataong ito ay pumikit ako at hndi ako nabigo ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.


Magkahalo halo ang nararamdaman ko,andito ang saya excitement at kakaibang kiliti na dulot ng halik niya. Ang lambot ng labi niya, magaan at banayad sng paraan niya ng paghalik sa akin. Sa una ay nakatikom lamang ang labi ko at hinayaan ko siyang halikan ako hanggang sa kusang tumugon ang labi ko sa mga halik niya.

Napakapit ako ng mariin sakanya upang hndi matumba habang siya ay mas hinapit ako papalapit sakanya, hndi ko alam kubg gaano katagal ang halik na iyon ngunit kapwa kami bumitaw upang makakuha ng hangin.

Pareho kaming hinihingal habang nakatingin sa isat isa, napapikit ako ng idikit niya abg noo niya sakin. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya, ngunit napamulat ako ng magsalita siya.

''You are mine now, darling.''seryoso ang mga mata niya ng sambitin niya ang mga iyon kahit ang tinig niya ay seryoso din bagamat mahina.



At para bang sa isang iglap ay natauhan ako sa kung anong ginawa ko, dali dali ko siyang tinulak at lumabas ng kurtina. Nakita ko pa si Chin na gulat na napatingin sakin.

''Ate Kaira saan ka pupunta? ''Rinig kong tanong ni Chin pero hndi ko siya sinagot at tumakbo na lamang palabas ng kwarto.

Hndi ko alam sa sarili ko kung bakit hinayaan ko siyang gawin iyon, mali ito hndi dapat ako nagpapa apekto sa nararamdaman ko sakanya.

Basta na lamang ako tumakbo habang pinipigaln ang sarili sa pag iyak, hndi ko man alam kung saan patungo gusto ko lng makalayo para mag isip.

Falling In Love With a NERD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon