Chapter 24 (part 1)

50 2 3
                                    

Kaira's POV

Tapos na ang charity namin at ngayon naman ay ang aming fieldtrip.

Nag enjoy ako sa charity event namin dahil madami kaming taong natulungan tsaka ansarap sa feeling na nagpapasalamat sila dahil sa tulong na ginawa namin.

Naalala ko tuloy si Chin,napaka kyuuuuuuut tlaga nang batang yun kaso masungit din parang si Kazuki.

Naalala ko tuloy yung mga pagtuturo namin kay Chin at yung kalokohan nang dalawa.

  ---------flashback-------

Nandito kaming magkaka klase sa sala nang bahay,at nasa gitna naman ay ang prof namin.

Hinati hati kase ang bawat section para hindi magulo sa pagiinstruct samin.

"Okay class,sa bawat grupo niyo may apat na miyembro hindi ba?sa bawat grupo niyo ay may naka tokang dalawang bata na inyong tuturuan sa loob nang isang linggo,makakasama niyo sila sa mga kwarto ninyo sa pagtulog. Ibig sabihin lang magiging babysitter nila kayo,dahil ang mga ama ng mga batang iyon ay pupuntang gubat upang mangaso samantalang amg mga ina naman nila ay tutulong sa mga nursing students upang ipakita ang sarili nilang paraan ng panggagamot at pamumuhay."mahabang litanya ng prof namin.

As usual madaming umapela,siyempre mga mayayaman ang mga studyante ng TU kaya sigurado ako na hindi sila sanay na mag alaga ng mga bata dahil sanay sila na inaalagaan.

"But prof,hindi nman ata makatarungan yun. Bakit kailangan pa namin silang alagaan?ano namang mapapala namin sa madudungis na mga batang yun?!"medyo hysterical na sabi ni steffany

"Miss Villaforte,kaya kayo narito ay upang tumulong sa mga katutubo. At kung tinatanong mo kung anong mapapala ninyo sa pag aalaga sa mga batang yun. Madami...madami kayong mapapala sakanila,mauunawaan niyo na ang susuwerte ninyo dahil magaganda ang buhay na meron kayo. Naibibigay sainyo ang lahat ng pangangailangan pati na luho ninyo. Na hindi na kayo namomroblema o naghihirap para matulungan ang mga magulang niyo upang makakain kayo sa araw araw at hindi na kayo nahihirapan na isakripisyo ang kinabukasan niyo dahil nakakapag aral kayo samantalang sila kailangan nilang tumigil dahil kailangan nilang magtrabaho upang makatulong sa pamilya nila. Ngayon may katanunangan ka pa ba miss Villaforte o kung sino man sainyo? "Tanong ni prof habang nililibot ang paningin samin.

Napangiti ako dahil sa sagot ni prof,bilang isang mahirap nauunawaan ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga katutubong ito pero kung tutuusin mas mahirap ang pinagdadaanan nila kumpara sakin.

Nilibot ko ang paningin ko sa mga kaklase ko at nakita ko na halos lahat sila ay nakatungo at may ilan pa nga na nagpupunas ng luha. Maging si Steffany at Tracey ay nagpupunas din ng luha,kahit pala maldita ang dalawang ito ay may tinatago din palang kabutihan.

Napako ang paningin ko sa isang lalaki na mataman na nakatingin sakin,katabi niya sina Paul at Michael. Nagulat ako nang ngumiti siya sakin,agad akong napaiwas ng tingin dahil naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Okay class nandito na raw ang mga bata,sana alagaan niyo sila ng maayos sa loob ng isang linggo."sabi ni prof at ngumiti. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga batang babae at lalaki na satingin ko ay nasa lima hanggang labing dalawa ang gulang. May mga bata na nakangiti samin at kumakaway at meron din namang naka tungo at nagtatago sa likod ng kasama nilang bata.

"Okay sisimulan ko nang mag assign ng mga bata sainyo."at nagsimula na siyang i assign ang mga bata hanggang sa umabot sa grupo namin.

"Group 4 sina Chara at Chin ang mapupunta sainyo,kambal ang dalawang yan. Dahil alam kong may alitan sa grupo ninyo napagpasyahan ko na sina Kaira at Kazuki ang mag aalaga kay Chin samantalang si Nathan at Amber naman ang kay Chara. Wala nang aapela dahil wala na kayong magagawa upang magbago ang desisyon ko." At iitinuro na niya samin ang dalawang bata.

Falling In Love With a NERD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon