Kaira's POV
Matapos ang pangyayaring iyon ay halos isang linggo kong iniwasan si Kazuki, na halos hindi ko rin naman lubusang nagawa dahil magkapareha nga kami sa pag aalaga kay Chin. Alam kong ramdam niyang umiiwas ako dahil sa tuwing kakausapin niya ako ay agad akong magpapa alam o kaya naman ay aayain ko si Chin sa kung saan para lang maka iwas sakanya.
Natapos rin ang isang linggo ng pag aalaga namin kay Chin ng halos hndi nagpapansinan,at nalulungkot ako dahil napalapit na din sakin si Chin. Sa buong isang linggo na iyon ay madaming naikuwento sakin si Chin tungkol sakanilang pamumuhay rito sa probinsiya, hndi biro ang hirap na kanilang pinagdaraan sa araw araw na pamumuhay nila. Kaya sa buong linggong iyon ay ipinaramdam ko kay Chin na may mga taong kagaya ko na nais makatulong sakanila,na kahit wala akong maitutulong sakanila sa pinansiyal na paraan ay maiparamdam ko man lang ang pagmamalasakit at pagmamahal ko para sakanila.
Kasalukuyan kaming narito ngayon sa salas ng bahay na tinutuluyan namin, nasa gitna namin ang assign professor at nagpapaliwanag para sa aming field trip.
''Okay listen guys, ang first destination natin ay ang banaue rice terraces mula rito sa tinutulayan natin ay mga isang oras ang biyahe,kaya ala siyete pa lamang ng umaga ay dapat gising na kayo at alas otso ang alis natin. Maghapon tayo roon, sa mga susunod naman na araw ay ipapasyal tayo ng tour guide sa mga atraksiyon na pwedeng pasyalan dito sa ifugao hanggang sa matapos ang isang linggo nagkakaintindihan ba tayo? ''Mahabang litanya ng prof namin.
Pagkatapos noon ay pinagpahinga na kami ni prof para daw ay maagang magising kinabukasan. Paakyat na sana ako sa kwarto namin ng biglang sumulpot si riah sa harapan ko at basta na lamang akong hinila sa kung saan.
''T-teka nga riah, bat mo ba ako hinihila? Saan tayo pupunta? ''Magkasunod na tanong ko habang sinusundan siya, hila hila parin niya kasi ako.
Pero imbis na sagutin ako ay patuloy lang ako nitong hinila hanggang sa marating namin ang may tabing ilog at saka lamang ako bito binitawan. Hinihingal ko itong tinignan habang siya naman ay umupo sa may bato paharap sakin.
''Spill it bes, anong nangyari sainyo ni Kazuki? ''Pambungad na tanong nito, napaiwas naman ako ng tingin dahil parang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.
''H-hndi ko alam ang sinasabi mo bes.''mahinang saad ko dito hndi parin makatingin sakanya dahil alam kong malalaman niyang nagsisinungaling lang ako.
Narinig ko itong bumuntong hininga bago kinuha ang mga kamay ko, kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti siya sa akin na para bang kinukuha ang loob ko.
''You're not a good liar Kaira, just tell me what's bothering you. I'm here to help okay? Napapansin ko kasing lagi kang tulala at ang pag iwas mo kay Kazuki sa tuwing lalapitan ka niya. Now tell me what's happening, i'm worried about you.''mahinahong
Saad nito, naramdaman ko tuloy ang pangingilid ng luha ko. Simula kasi ng makilala ko si Riah, siya ang lagi kong napagsasahihan ng mga problema ko. Lagi siyang nandiyan para damayan ako kaya laking pasasalamat ko ng makilala ko siya dahil higit pa sa pagkakaibigan ang binigay niya sakin kundi itinuring na niya ako bilang kapatid niya.''A-ahm ano kasi Riah, si K-kazuki kasi at ako ahm a-ano...''hndi ko masabi sakanya dahil nahihiya ako atsaka isipin pa lang ang nangyari samin ni Kazuki ay pinamunulahan na alp ng mukha.
''Just say it Kaira, it's just me okay? You can tell me anything, don't be shy.''saad nito saka ngumiti sa akin, napabuntong hininga naman ako saka nagbaba ng tingin.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With a NERD
General FictionIsang nerd old fashion,may malalaking salamin,buhaghag na buhok at book lover Ang magpapatibok sa puso ng isang cold hearted, bad boy at masungit na king ng campus What a great combination right? Mwhahahahaha Well its hit the bad boy he fall in love...