Bottled Hearts
by: Galaxy_Owl
Prologue:
"I'm warning you. You may fall in love with me. I'm good with girls and how to make them fall to me, very hard." confident na sinabi ni Nic.
"I dare you. Baka ikaw pa ang mahulog sa akin. I play with anybody, and I always win. If you make them fall for you hard, I can make anybody fall for me harder." napangiti si Nic dahil sa sinabi ni Bia. Naisip niya na challenging ang dalaga.
Nakikita na ang kaba sa lahat maliban sa dalawa. Pero sa likod ng kaba na 'yon ay iniisip nila na sana ay magbago ang dalawa dahil nakakita na sila ng katapat sa isa't isa.
"Then, let's do this game. First one to fall, will be the loser. Deal?"
Lahat sila ay nakatingin sa kanilang dalawa. Tila silang dalawa lang ang nag-uusap sa mundo tungkol sa kanilang deal. Lahat naman ay nag-aabang sa isasagot ni Bia.
"Deal."
A deal sealed with a kiss. yes, a kiss. Kasabay sa pag-agree ni Bia ay ang paghalik niya sa binata. Di naman nagulat na tumugon ito sa halik pero agad naman niyang tinigil ito. Gusto niya pa ngang tumawa nang makita niya ang mukha ni Dominic na mukhang gulat sa nangyari.
"Halik ko pa lang yon. Gulat na gulat ka na, paano pa kaya ang iba." sabi ng dalaga at saka umalis. Iniwan ang lahat na nagulat at nakanganga.