Chapter 3

47 1 0
                                    

Chapter 3

"Mga inutil! Nag-iisang target, hindi niyo pa mahuli huli? Mga walang silbi!"

Tinignan ko lamang si Boss habang gigil na pinagbubugbog ang kanyang mga tauhan. Mga walang hiya. Ke-tatanga!

"Akatsuki! Kumusta ang misyon mo?" baling niya sa akin nang masigurong hindi na humihinga ang mga inutil niyang tauhan.

Malamig ko lamang siyang tinignan at ngumisi, "Malapit ko na siyang tapusin, Premieré."

Humalakhak siya habang pinatutunog ang kamao niya.

"Mabuti naman at meron pa sa mga tauhan ko ang maaasahan." sambit niya at tinapik ang balikat ko. Nauna siyang naglakad palabas ng torture room na customized para sa mga taong gusto niyang parusahan.

Tinignan ko naman ang mga nakahandusay na katawan ng mga nakatakas niyang tauhan sa kamay ng kaaway niya. Tss. How pitiful and so.. unworthy.

Target: Unknown
Name: Unknown
Gender: Female
Legend: Very lethal

--

"Andy, gumising ka na!"

Umagang umaga, boses agad ni Aly ang naririnig ko sa labas ng kuwarto ko. Himala at nauna akong magising kaysa sa tunog ng alarm clock ko. Actually, mukhang hindi nga ako nakatulog dahil sa balitang sinabi sa akin ni Alyanna kagabi. Malapit niya na silang makita.

"Andromeda, ano ba? Bumangon ka na riyan at nakahain na ang pagkain sa baba!"

Hindi man lamang natinag si Aly at tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto ko. Pinanlakihan niya ako ng mata nang makitang dilat na ako at walang pakialam na nakatingin lamang sa kanya. Nakataklob rin ang kumot hanggang sa ilalim ng ilong ko.

"Araw-araw na lang ba kitang bubulabugin rito sa kuwarto mo, ha, Andy?" nakapameywang na tanong niya,

Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko,

"Sino ba kasing nagsabi sayo na araw-araw mo akong bulabugin rito sa kuwarto?" tanong ko na may halong sarkasmo habang unti-unting bumabangon at naupo sa higaan ko.

Halos manlaki ang mata at butas ng ilong ni Aly nang sagutin ako,

"Aba! Ako na nga itong concern sa iyo, Andromeda. Pasalamat ka pa nga at pinagsisilbihan kita sa sariling pamamahay ko." ismid niya.

Peke akong ngumiti bilang ganti sa kanya, "Salamat, ha."

Gigil niya akong kinurot sa tagiliran ko. Ngumingiwi naman akong umiwas sa kanya at natawa nang sinubukan niya ulit akong abutin at napadapa siya sa kama nang umilag ako.

"Salamat sa pagpapatira sa apartment mo at pagsisilbi sa iyong mahal na prinsesa, Alyanna." natatawa kong sambit sa kanya nang tumayo ako at umambang lalabas na nang kuwarto, "Tara na at ginugutom na ako."

Natapos ang umagahan namin nang pinapangaralan ako ni Alyanna na matutong gumising nang maaga dahil hindi maganda ang pagiging parating late sa trabaho. Pinangaralan ko rin siya sa ginawa niyang paglabas ng dis-oras ng gabi at pinaalala na hindi niya naman kailangan bilhan ako ng mga luho kong pagkain at sa huli ay gamiting panumbat kapag may bagay akong nagawa na hindi niya nagustuhan. Sa huli, ako ang pinaghugas niya ng aming pinag-kainan bilang kapalit sa sakit raw ng ulo na ibinibigay ko sa kanya.

Maaga akong natapos sa ritwal ko bago pumasok sa trabaho at himalang maaga rin akong nakarating sa opisina. Maaga para sa akin pero sakto o tamang  oras nang pagpasok para sa mga katrabaho ko. Halos mabali ang leeg nang aking mga katrabaho at nanlalaki ang mga matang sinusundan ako ng tingin na para bang isa lamang akong aparisyon sa harap nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

不明; fumeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon