Buti nalang marunong ako magkorean kaya d ko na kelangan mag korean lessons. lumaki nga ako sa LA pero pag kinakausap ko family ko nagkokorean kami kaya ayun.
In case you’re wondering dito ako sa lumang sm building magtr-train. Unless mag-de-debut ka, dito ka muna sa lumang building.
Pumasok na ako sa building. Mukha naman akong nawawalang tuta dito
Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta eh ang sabi kasi sa schedule ko may dancing lessons ako pero di ko alam kung saang room >.<
“You are.. new trainee here?” bati sakin ng isang staff
“Y-yes.. but I don’t know where to go >.< I’m supposed to have dancing lessons”
“Oh.. dancing class.. over there” sabi sakin habang tinuturo yung room. Napansin kong medyo nahihirapan din siyang mag-english kaya naman “Oo nga pala, marunong po akong mag-korean :D”
“Ay nako buti naman.. nahihirapan akong mag-english eh” sabi niya habang tumatawa
Pumunta na ako sa room na tinuro niya at pumasok. Ay jusko late na yata ako ang dami nang tao sa loob & mukhang may sinasabi yata yung dance instructor namin >.<
“I’m sorry I’m late” sabi ko habang nag-bow
“It’s okay we were just about to start the introductions” hindi naman pala ako masyadong late.. phew~
Pagkatapos ng mga introductions namin, may isang trainee na dumating.. ha may mas late pa pala sakin
“Sorry I’m.. I’m late..” mukhang tumakbo yata papunta dito.. humihingal eh. Pero may isa pa akong napansin sakanya.. kamukha niya yung
childhood friend ko.
sana maging friends kami jkshgjksfgdsjg kaso nahihiya naman akong i-approach siya.. mukhang hindi friendly eh >_<
Sinimulan na namin ang pagsasayaw.. nagstay ako dun for 8 hours tapos umuwi na..
grabe.. nakakapagod
pagdating ko sa bahay dumeretso agad ako sa kama at natulog.
oo nga pala, dito ako sa bahay ng tita ko nakatira ^^
———
Next day, naghanda nanaman ako para sa second day.
OOTD ko naman ay isang simpleng white tshirt, black jeggings, sneakers, watch & baller na may nakalagay na “Don’t let go of your dreams”
“Bye tita!”
“Sige, mag-iingat ka Gail ha!”
“Opooo!” at pumunta na ako sa train station papuntang Apgujeong.
>>fast forward>>
Juskooo ihing ihi na akooo kanina paaa!!!!
Pagkatapos ng lesson, tumakbo na agad ako sa banyo at sa sobrang bilis may nabunggo pa ako
“Ahh!”
“Oh my gosh!! I’m so sorry” mabilis kong sinabi. pagtingin ko sakanya, siya pala yung mas na-late sakin kahapon. Yung kamukha ng childhood friend ko.
Kinuha niya yung kanang wrist ko na may baller na siyang ikinagulat ko naman
“G-Gail?!?!” at mas nagulat naman ako nung sinabi niya pangalan ko.
OMG Siya nga ba talaga ‘to? :OOO “Audrey??!! :OOO”
“Aaahh!!!!” sigaw naming dalawa sabay yakap sa isa’t isa
“Oh my gosh Audrey ikaw ngaaa!!”
“Gailll!! I never thought na mag-mee-meet ulit tayo & to think na we meet again while fulfilling our dreams”
tama, nung mga bata pa kami, nagpromise kami sa isa’t isa na magkahiwalay man kami, dapat sundin parin namin yung dreams namin na maging artista para pagsumikat na, magkikita ulit kami. Kaya naman nung nakita namin yung baller na may “Don’t let go of your dreams” bumili na agad kami as a sign of promise.
“IKR! OMG grabe i missed you so muccchh!”
“I missed you too!! It’s been ages!! Pero.. kailangan ko nang umalis kasi ma-le-late ako hehe sorry! See you nalang!” sabi sakin habang kumakaway at naglalakad na palayo. Kumaway din ako at dumeretso na ng cr. Nako nakalimutan ko na naiihi pala ako >3<
At simula nun, lagi na kaming magkasama tuwing break times & free times.. parang dati lang nung mga bata pa kami. Hindi ko talaga akalain na after ilang years, magkikita ulit kami at dito pa sa SM Ent! Waaah ang swerte ko talaga kasama ko bestfriend ko magtrain
sana sabay din kami mag-debut if ever <3
BINABASA MO ANG
[EXO/OC fanfic] Wrong Guy (ongoing)
Fiksi PenggemarIt's every fangirl's dream to meet their bias. Some fans are lucky enough to meet them, while only the luckier fans (although the occurrence is very rare) will get to date their bias. Gail (You), a Korean who grew up overseas, goes back to Korea to...