Part 1.

17 0 0
                                    

"Anong gagawin mo? Bakit mo nilalagay ang mga gamit mo sa maleta?" Sunod sunod niyang tanong.
Hindi ko siya pinapansin, tinuloy ko lang ang pag iimpake ng mga damit.

"Aalis ka?" Tanong niya ulit.

"Shan! Ano? Aalis ka? Iiwan mo ako?" Hindi na siya mapakali. Na nginginig ang kanyang boses.

Sinirado ko na ang maleta at tumayo na. Pinagpag ko ang damit ko at tinignan siya ng walang ka emo emosyon.

"Tabi. Dadaan ako." Malamig kong sinabi

"S-shan.. P-please Please Shan.. Huwag mo ko iwan.. Baby please." Niyakap niya agad ako

Napaluha na ako sa sakit na nadarama.

"B-bitiwan mo ako, Radj."

"No! Ayoko! Ayoko!" Hinawakan niya ang mukha ko. "Shan, baby.. Look at me..please, look at me."

Tinignan ko siya. "Oh, ayan. Nakatingin na ako sayo, pwedy na bang umalis?" Mataray kong sinabi.

"Hindi ako papayag na aalis ka, Shan. Hindi." Umiiling siya habang may mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mukha

Nasasaktan ako na nakikita siyang ganito. Pero kasi, masakit na.. Palagi na lang siyang nagloloko. Akala ko ba Wala na? Na hindi niya na mahal ang Putang Inang ex na yan!?

"Anong Hindi!? Wala na tayo diba!?" Nagagalit na ako.. Hindi ko na kaya ang sakit.

"Shan.. Magusap tayo, huminahon ka muna."

"Huminahon!? Fuck you! Wala na tayo! Tapos!" Dali dali akong umalis bit bit ang malaking maleta.

Sinundan niya ako. Hinila niya ang kamay ko.

"Ano ba!" May mga luha ng namumuo sa mga mata ko. Makita niya mang umiiyak ako, wala na akong pakealam. Kahit ito man lang.. Makita niya lang na sobrang nasasaktan na ako sa ginagawa niya.. Kahit sa pag patak ng luha man lang.. Makita niyang.. Ayoko na.

"Ang sakit sakit na radj.. Ang sakit sakit na.." Pinahid ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy.

"A-akala ko wala na?" Tinignan ko siya. Suminghap ako. "Kulang paba ang pagmamahal ko sayo, Ha radj?" May tumulong luha ulit, pinahid ko ito habang tinitignan siya.

Umiiling siya "S-shan.. Sorry. sorry. sorry." Umiiyak siya at lumuhod sa harap ko. "Baby.. Patawarin mo ako.. " tinignan niya ako ng may mga luha sa mga mata.

Tinignan ko lang siya.

"A-anong gusto mong gawin ko?" Tinignan ko parin siya. "G-gagawin ko kahit ano, mapatawad mo lang ako, Shan."

Tumingala ako at pinahid ang mga luha.

"Gagawin mo kahit ano?"

"Y-yes! G-gagawin ko.." Bakas sa boses niya na nabuhayan siya ng loob sa sinabi ko.

"Then.. Let's break up."

Suminghap siya at tumango.

Walang umiimik sa amin.

ang sakit ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nanghihina ako sa sakit nito. Hinihintay ko siyang sumagot, hanggang sa tumayo siya.

" Ayan ba talaga ang gusto mo?" Hinawakan niya pa ang pisngi ko. Tinignan niya ako sa mga mata.

Kumagat labi ako saka tumango.

"I need a vocal baby.." Suminghot siya saka pinahid ang luha na lumandas sa kaniyang pisngi. Tinignan niya ulit ako.

"Y-yes.. I wan't you to break up with me." Umiyak na rin ako.

Bakit parang... Hindi ko kaya?

Bakit ang sakit?

Bakit ang bigat bigat sa pakiramdam??

Tumango tango siya. "O-ok. Gagawin ko kahit ang sakit." Ngumiti siya, pero makikita at mararamdaman mo na ang sakit nga.

Bullshit! Pwedy ko bang bawiin?? Hindi ko kaya ehh! Masakit! Puta!

"S-sige na, baka gabihin ka pa."

Gusto kong sabihin na pinapaalis mo na ako? 'Di mo na ako mahal?

Pero hindi, tama lang to. Tama lang tong naging desisyon ko.

Mahal ko siya. Kung yan lang ang tanong. Mahal na mahal ko siya, pero kung lagi niya na lang ako niloloko, I'd rather choose to let go. Sorry, pero may damdamin din ako. nasasaktan din ako.

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon