Radj pov.
*Flashbacks*
"Babe.. Gusto mo ng ice cream?"
"Huwag mo kong mapa Ice cream Ice Cream jan! Hindi pa tayo tapos! Gago ka!"
"Babe! Mali ka ng iniisip!"
"Anong mali ang iniisip!? Hoyyy, Cristof Fuentes a.k.a Walang hiyang lalake! Na ang lakas mambabae! Akala mo naman kagwapuhan, Kitang kita ng dalawa kong mata!" Tinuro niya pa ang mata niya.
"Dalawa. Hindi isa lang! Tapos sasabihin mo ko ng Mali ako ng iniisip!? Fuck you! Tapos na tayo! Gago ka!"Napapaface palm na lang ako sa problema ng dalawang 'to. Tangina! naman kasi ng Cristof nato! Pano ba naman kasi, Balak niyang mag Proposed sa Girlfriend niyang walang tigil ang bibig sa kakamura. (Girls tss!) Kaso, Mali ang naging dating nito sa girlfriend niya, dapat kasi ang Set up, may pupuntang babae sa harap nila habang kumakain.. Nawala ata sa utak nong babae ang dapat gawin, lumapit siya kay Cristof at bigla itong hinalikan sa labi.
"Pwedy ba? Kung mag aaway man lang kayo, huwag dito Restaurant ko! Doon kayo sa malayo! 'Yong walang nakakakita at nakakarinig. Mahiya naman kayo sakin?" Inis kong sinabi. Hindi ba nila alam na pinagtitinginan na sila? The Fvck?! Damn Cristof! Ayusin mo yan.
"Ah.. Hehe. Sorry pooo! May hindi lang po kami pagkakaunawaan nitong Fiancé ko." Pagpaumanhin ng bugok kong pinsan sa mga taong nanonood. Damn it!
Yes, Pinsan ko ang bugok na lakakeng yan. (From my mother side) pero kahit ganyan 'yan, Close naman kami sa isa't-isa.
"Anong Fiancé!? Dream on, Mr.Fuentes!" Sabi nito at sinampal ng malakas si Cristof na halos ika pula ng pisngi niya. Shit! "Wala na tayo! Don kana sa babae mo!" At umalis na ang babaeng 'yon.
**End of Flashbacks**
Mahigit Limang taon na ang nakakalipas simula nong nangyare sa pinsan ko at.. Sakin na rin.
May girlfriend ako dati.. Sa kagaguhan ko, nawala siya sakin. Ang gago ko! Ang gago kong tao. Hindi ko siya pinahalagahan.. Akala ko kasi Hindi niya magawang iwan ako kasi ramdam kong mahal na mahal ako ng babaeng yon.. Pero mali ako. Napapagod din pala siya.
After ng break up namin, umalis muna ako ng bansa, pumunta akong London at 'don muna nag stay. Pero babalikan ko siya..kukunin kita ulit baby..
Nasa Gym ako ng tumunog ang cellphone ko. Binaba ko muna ang barbell at pinindot ang bluetooth na nakapansak sa tenga ko, saka ko binuhat ulit ang Barbell.
"Yes?"
"Tol! Uwi kana." Oh? Cristof??
" Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Pakakasalan ko na si Shan."
Kamuntik ko ng maibagsak ang Barbell!
"Shit!"
"Tol, ok ka lang?" Narinig kong humalakhak siya sa kabilang linya.
"Gago! Kamuntik ko ng maibagsak ang Barbell na hawak ko!"
"Ow..Haha!! Sorry! Anyway, pupunta kaba sa kasal ko?"
"Seryoso kaba? Sino nga ulit pakakasalan mo?"