Lumipas ang ilang linggo pero ipinagpatuloy ko parin ang pagpapaimpress kay Xavier. May ilang times nga na tatakbuhan nya lang ako at magtatago kung saan saan basta hindi ko lang sya makita. Pero kahit na ganun hindi parin ako nawawalan ng pagasa. Basta kung feel ko talaga na pretty ako hinding hindi ako titigil.
Nandito ako ngayon sa cafeteria nagpapaganda. Deh joke lang alam nyo namang panget ako. Andito ako ngayon sa cafeteria para bumili ng pagakain nagugutom na kasi ako eh. Syempre sinama ko ang mga bestfriend ko. Sila kasi ang ipinabitbit ko sa mga pagkain na binili ko haha. "Girls sa tingin nyo naiimpress na kaya si Xavier sa mga ginagawa ko?" pangbasag ko sa katahimikan. Biglang nabilaukan ang dalawa dahil sa pangdidiri. Tong dalawang to eh kahit kailan sarap batukan. "Hindi no! At bakit maiimpress sayo si Xavier eh ang panget panget mo?" sagot ni Cyriel. "Oo nga at isa pa chix ka ba? Hindi naman di ba? Kaya hindi talaga maiimpress sa iyo si Xavier" sunod naman na sagot ni Jaime. Ay ang dalawa talaga ipinabitbit ko lang ng pagkain nagbinitter na. Hahay ang ganda ko pa naman. "Alam nyo ang suportive nyo talaga no?" sabi ko sabay sabunot sa mga buhok nila pero mahina lang. Tong dalawang to talaga. Galing rin eh. Sobrang suportive.
"Oy girl si xavier yun ah? Dali hingan mo ng number" sabi sakin ni Cyriel. Ginawa ko naman agad ang sinabi sa akin ni Cyriel. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kinauupuan ni Xavier. "Hi Xavier" pambati ko sa kanya. Nagulat naman sya pagkatapos nya akong makita. "Oh bakit nandito ka nanaman?" "Ah eh pwede bang hingin ang number mo?" tumahimik naman sya bigla. Nabigla naman ako ng makita kong namula sya. Ang pula pula talaga ng pisngi nya as in parang kamatis. "Oh Xavier bakit namumula ka? May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya sabay himas ng kamay ko sa noo nya. Emeged kenekeleg ako. Nahahawakan ko na ngayon ang noo ni Xavier. "Ah hindi. Wa .. wala wala. Wala akong sakit" utal utal nyang sinabi sabay tabig ng kamay ko. Hihi alam ko na kinikilig si Xavier dahil hinihingi ko ang number nya hihihi. "Hoy kung sa tinitingin mong kinilig ako dahil hiningi mo ang number ko pwes hindi. Magising ka sa kahibangan mo" sambat nya saken. Sabe ko nga eh. Hindi talaga sya kinilig. "So pwede bang hingin ang number mo?" pagtatanong ko ulit sa kanya. "Sige na nga basta wag na wag mo na akong kukulitin ulit ha?" "Sige hinding hindi na kita kukulitin ulit basta ibigay mo lang sakin number mo ha" "Oo na sige" sabi nya pagkatapos ay ibinigay nya na ang number nya.
Pagkatapos kung kunin ang number nya ay dali dali akong bumalik sa kinauupuan ko kanina. "Waaaah! Girls guess what just happened" tili tili kong sabi sa kanila. "Let me guess. Mas lalo kang pumanget?" sabi sakin ni Jaime. "Ay alam ko yan. Hindi ba namin alam na natural na yang kapangitan mo?" sagot naman ni Cyriel. Yung totoo bestfriend ko ba talaga tong mga to? Galing makapanlait eh. "Magsitahimik nga kayo hindi yan ang ibig kung sabihin." "Eh ano?" tanong naman nila sakin. "Waaah! Nakuha ko na ang number ni Xavier" sabi ko naman sa kanila sabay hampas sa mga balikat nila. "Oh really?" "Congrats girl". "Haha alam ko kasing may gusto rin yan sa akin si Xavier" "Whatever!" sabay naman nilang sabay. Haha now I got his number. All I just have to do is to text him.

BINABASA MO ANG
Ugly Pretty
Teen FictionIsang storya na umikot sa buhay ng isang ubod na panget na babae na nagpaganda upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Maging bukas ang puso't isipan at basahin ang storya na ito.