Maaga akong pumasok ngayon dahil sa kasiyahan ko. Ikaw ba naman eh replyan ng crush mo sa text eh hindi ka ba magiging masaya.
Mabilis akong naglakad papunta sa classroom ko. Gusto ko na kasing makita ang mga bestfriend ko ng maikwento ko sa kanila ang nangyare kagabi.
Habang naglalakad ako ng napakabilis, bigla naman akong nabanga sa isang lalaki. "Ugh! Could you please watch were you're going?" sabi ko sa lalaking nakabanga sa akin ng hindi nakatingin sa kanya. Maya maya ng lingunin ko sya ay nagulat ako. Hindi ko inaakalang si Xavier pala ang nakabangga ko. "Oh ikaw pala yan Angelica" sabi nya sa akin. Oh my gosh! Alam nya ang pangalan ko. Em so kenekeleg. Baka stalker ko sya? Haha joke lang. Alam nyo na panget ako at sino bang tao ang maiinlove sa katulad kong panget?
"Oh ikaw pala yan Xavier" sabi ko naman sa kanya. "Oo ako nga. Saan ka ba papunta?" "Ah eh papunta ako ng room natin eh" "Parehas pala tayo. Pupunta rin ako sa room eh. Kung ganun man lang eh sabay na tayo" pagaaya niya sa akin. Oh my gulay. Totoo ba talaga tong nangyayari? Gusto sumabay sakin ni Xavier. "Ah sige" sagot ko naman sa kanya.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room. Pero mas mahina na ang paglalakad namin ngayon. Habang naglalakad kami eh nabigla naman ako kasi bigla nalang kinuha ni Xavier ang bag mula sa kamay ko. Oh my baka naiinlove na talaga sa akin si Xavier. Habang ako ay kinikilig may iba naman akong nararamdaman. Parang feel ko lahat ng tao nakatingin sa akin.
"Girl look! Bakit kasama ni Xavier yang ubod na panget na babae na yan? pagpaparinig sa amin nung babae. "Oo nga no. Eh mas pretty naman tayo. Kaya mas bagay talaga na ipartner tayo kay Xavier kaysa dyan sa panget na yan" sagot naman ng isa pang babae.
Hindi ko nalang pinansin yung dalawang babae. Inggit lang yun dahil kasama ko ngayon si Xavier.
Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Xavier ang kamay ko at sabay bulong ng "Wag mo na lang silang pansinin. Naiingit lang yang mga yan kasi ikaw ang kasama ko ngayon". Yung feeling na ang sarap ipakita na kinikilig ka pero nahihiya ka hay yan ang nararamdaman ko ngayon.
Napagusapan muna namin na umupo muna sa isang bench na nakatabi sa isang malaking puno. Hindi ko narin kase matake ang mga tingin ng tao sa akin. Para kasing gusto nila akong hilahin at pagbubugbugin pero hindi nila magawa.
"Xavier bakit mo ginagawa ang lahat nang to? Bat parang naging mabait kana sa akin ngayon?" Tanong ko naman sa kanya. Naghintay ako ng ilang minuto para sa sagot nya pero hindi talaga sya umimik. Dahil sa nabagot ako kahihintay sa sagot ni Xavier eh nagGm nalang muna ako sa phone ko. Maya maya "Itigil mo muna yang ginagawa mo" pagpapahinto nya sa akin. "Bakit?" sagot ko naman sa kanya. "Basta itigil mo muna yang ginagawa mo" Dahil sa isa akong dakila na masunurin na bata eh sinunod ko naman sya.
Mga ilang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin kami umaalis sa kinauupuan namin. Medyo nalilito na talaga ako sa mga nangyayare. Bakit kaya ginagawa to ni Xavier sa akin? Akala ko ba ayaw nya sa akin? Eh bakit ngayon parang gusto nya akong makasama? Ano ba talaga kuya?
Dati halos ayaw nya na akong makita pero ngayon gusto nyang nasa tabi nya lang ako. Hay ang hirap talaga intindihin ni Xavier.
"Ano na?" pangbasag ko sa katahimikan. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sya umiimik. "Sige pumasok ka na may pupuntahan pa ako" sabi nya sa akin. Oh ano nanaman? Itinataboy nya nanaman ako. "Sige" yan na lang ang naisagot ko. Naguguluhan na kasi ako sa kanya. Gusto ko muna na hindi sya makita kasi baka mababaliw ako sa kanya. Hay nababaliw na nga ako sa kanya pinapalala nya pa.
Hay para saan ba talaga tong mga ginagawa mo Xavier? Nakakabaliw na talaga.
BINABASA MO ANG
Ugly Pretty
Teen FictionIsang storya na umikot sa buhay ng isang ubod na panget na babae na nagpaganda upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Maging bukas ang puso't isipan at basahin ang storya na ito.