The Impression

16 1 0
                                    

Dumating na ang aming professor sa physics. Eto na yung part na magsasalita yung professor at wala kang maiintindihan kahit isang salita. Mababagot ka na sa puntong aantukin ka na.

Pero iba na ngayon. Dahil nandito na ang inspiration ko na si Xavier, aayusin ko ang pagaaral ko para dagdag ganda points haha.

Habang nagsasalita ang professor namin sa harapan, tinitigan ko lang si Xavier. Wala kasing kwenta kung makikinig ako kung wala naman akong maintindihan.Naobserbahan ko na may ilang mga times na nahuhuli ko syang lumilingon sa akin. Sinubukan kung tawagin sya. Baka sakali kasing pansinin nya ako. "Hi Xavier" tawag ko sa kanya. Pero bilib ako kay kuya hindi umimik. "Can I get your number?" biglang tanong ko naman sa kanya. "No" agad agaran nyang sagot. Alam nyo yung feeling na ang sarap manabunot? It feels like my heart was stabbed with a million knife. Maganda naman ako ah? (nagjojoke ka ba Angelica?) o sige hindi na nga. Thanks sa panglalait author ha? Ang pangit pa naman ng username mo (eh kung burahin kaya kita sa storya na to?) hindi joke lang author. Ang ganda kaya ng username mo pang professional (i know right)

So ayun nga nasaktan ako ng sobra. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko ito at inayos ang sarili ko. Pero sabi ko nga hindi ako mawawalan ng pagasa. Hahanap ako ng paraan upang mapansin nya ko.

Pagkatapos ng ilang subjects nagrecess na rin kami. As usual kasama ko nanaman ang mga walang kwenta kong mga bestfriend. "So girls saan tayo ngayon?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Punta tayo don sa bagong bukas na resto?" Sabi ni jaime. Alam ko nanaman ang binabalak ng bobitang to. "Sige" pagsangayon naman ni Cyriel. Alam ko na tong dalawang to eh. Hindi lang pagkain ang pakay nila ron. Kasi alam ko magboboy hunting nanaman yang dalawang yan. Ako? labas ako dyan ha? Ako kasi ang pinakabehave samin. Kasi pretty naman ako eh hindi ko na kailangan pang lumandi kasi ako mismo ang lalandiin ng lalake (nagjoke ka nanaman Angelica).

Pagdating namin sa resto agad kaming nagorder. Pagkatapos naming magorder agad kong kinuha ang iphone ko mula sa bulsa at nagselfie. NagGm narin ako baka kasi masayang ang plan. "Hoy girl si Xavier yun di ba?" tanong ni Cyriel habang tinuturo nya kung saan nakaupo si Xavier. Nilingon ko naman agad yung tinuturo ni Cyriel. Nabigla ako ng makita ko si Xavier. Pero bakit parang may kasama syang babae? Ayan nanaman sya eh. Sinasaktan nya nanaman ang puso ko.

Naiinis ako habang tinititigan ko sila. Sobrang saya kasi nila eh. Sobra kasi sila makatawa eh lalo na si Xavier na abot hanggang dito ang ingay ng pagtawa nya. Yung babae naman grabe kung makahampas sa braso ng Xavier ko. Nainggit tuloy ako kay girl. "Girls kailan maimpress sa kin si Xavier" sabi ko sa kanilang dalawa. Gagawa ako ng eksena na tyak hinding hindi nya makakalimutan.

Sinabihan ko sila Jaime at Cyriel kung ano ang dapat nilang gawin. Tumayo na ako at lumapit sa inuupuan nila Xavier. "Hi Xavier" paggreet ko sa kanya. "Its you again!" sabi nya in an irritated voice he then let a heavy sigh. "Who's this bitch?" tanong ko dun sa babaeng kulang nalang ay gawing coloring book ang mukha. Hindi sya gumaya sa akin natural beauty (may beauty ka pala?) oo author meron (pangit nga lang ang beauty) thanks again sa panlalait author ha."Excuse me? Ako ang .." but before makasagot si ate sinampal ko sya agad sa pisngi at saka tumakbo. "Run now!" sigaw ko kay Jaime at Cyriel. Binilisan naman nila ang pagbayad at agad na kinuha ang pagkain at saka umaripas ng takbo. Tumakbo kami ng napakabilis at lumabas na ng tuluyan sa restaurant na yun.

Naimpress sana si Xavier sa ginawa ko hihi ...

Ugly PrettyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon