Alam kong naguguluhan kayo kung bakit ko ginawa yun. Base kasi sa napanood ko na movie mas madali daw mainlove ang mga lalaki kapag ang babae ay palaban. So yun nga sinampal ko si ate para magmukha akong matapang sa harapan ni Xavier. Im sure impress na impress sa akin si Xavier hihi. Kinilig kaya sya?
"Hay ang tagal naman nila Jaime at Cyriel wala tuloy akong makausap" bagot na sabi ko. Hay nakakawala lang kasi ng ganda eh. Palagi nalang matagal kung dumating yung dalawa na yun eh. Pinapaghintay pa talaga ako ha? "Hey Angelica" sigaw sa akin ni Cyriel. Oh speaking of the devil nandito na pala sila. "Bakit ang tagal tagal nyo?" "Nagshopping muna kami bago pumunta rito no. Isa narin ako kaya ang anak ng mayari ng school na ito kaya okey lang na malate ako" mahabang sagot sakin ni Cyriel. Nagshopping bago pumasok sa school? Aba matindi! Kapal din ng mukha ng dalawang to eh no pinaghintay pa talaga ako.
"Girl may sasabihin kami sayo" "ano naman yun?" malamya kong sagot sa kanila. "Bakla nasa balita ka. Buti nalang hindi ka nakilala dahil kung nangyari yun patay ka sa mga magulang mo" nagaalinlangang sabi ni Jaime. "May mga pictures na nakuha pero buti nalang nakatalikod ka" dagdag pa niya. "OMG patingin nga!" kinuha ko agad yung tablet nya at tinignan ito. Binasa ko naman kaagad ang article na ipinakita nya.
Girlfriend ng isang sikat na model na si Xavier Charles Jacob sinampal ng isang hindi kilalang babae. Ayon sa mga nakakita, ang babae raw na iyon ay maitim, matangos ang ilong at marami rin daw syang pimples sa mukha. In short panget.
Maluha luha kong binasa ang article nayun hindi dahil sa kaba na baka may makakilala sa akin kundi sa pagtawag sa akin ng babae na ubod ng panget. Ang sakit lang sa hair ha? Hindi ba nila alam na ang pretty pretty ko? (totoo ba talagang pretty ka?) whatever sayo author.
Isinauli ko kaagad ang tablet ni Jaime pagkatapos kung basahin yung article. Maluha luha pa nga ako ng iabot ko sa kanya ang tablet dahil naalala ko pa rin yung nabasa ko. Maya maya nabigla nalang ako ng may naramdaman akong kamay sa braso ko. Bago ko pa namalayan hinihila nya na pala ako palabas ng room namin at isinandal nya ako sa isang pader. "What were you thinking? Bakit mo sinampal ang girlfriend ko?" galit na sabi nya. "Wala gusto ko lang magpaimpress sa iyo bakit may problema ba dun?" "Oo meron! Alam mo nasaktan sya at napahiya rin" pasigaw nyang sabi. Maya maya pay may bigla akong naramdaman sa pisngi ko. Teka bakit parang basa? Namalayan ko nalang na lumuluha na pala ako. "Wag na wag mong kakalimutan ang araw na to. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya!" galit na galit nyang sabi. Bigla akong kinabahan baka kasi pagbuhatan ako ni Xavier. Nang bitawan nya nako, tumakbo na ako ng napakabilis papunta sa mini park ng school namin. Dun ako umiyak ng umiyak. Mabuti nalang at walang tao. Linabas ko lahat ng galit ko sa pamamagitan ng pagiyak. "Ba't ba kasi sya ang gusto mo at hindi ako?" Mas lalong lumakas ang pagiyak ko. Naiingit talaga ako ng sobra kay girl.
Iyak lang ako ng iyak. Inilabas ko talaga lahat ng galit ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagiyak may isang lalaki na biglang kumausap sa akin. "Excuse me?" sabi sakin nung lalaki. Tumingala ako at nilingon ang lalaki "Yes?" "Shit ang panget mo! Wag kang umiyak hindi bagay. Para ka lang natatae" "Wow thanks sa compliment kuya ha? Malungkot na nga yung tao nilait mo pa. Bait rin eh" sarkastikong sabi ko sa kanya. "Haha joke lang. Ikaw naman hindi mabiro. Oh eto oh panyo pampunas ng luha" "Ay hindi kuya pampunas ng laway" pilosopo kung sagot sa kanya. Biglang nagring ang phone sa kamay nya at agad nya naman itong sinagot. "Bye I need to go now" pagpapaalam nya sa akin. Bigla naman syang tumakbo ng napakabilis papunta sa kotse nya at agad na pumasok. "Wait kuya anong pangalan... nevermind nalang." Hindi ko rin naman sya maabutan so why bother to run?
Pinunasan ko na lang ang luha ko at inayos ang sarili ko. "Ayan tuloy hindi pa nga kami close ni Xavier nagaway na agad kami and it's all because of her" sabi ko sa hangin. Hay panira ng bangs si ate eh. Sarap sabunutan ni ate eh ng mawalan ng buhok.
Don't worry Xavier I'll do anything just to kick her out of our story ...
BINABASA MO ANG
Ugly Pretty
Teen FictionIsang storya na umikot sa buhay ng isang ubod na panget na babae na nagpaganda upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Maging bukas ang puso't isipan at basahin ang storya na ito.