Kabanata 1

155 10 1
                                    

Restarts and stars

I've always loved the feel of the sand in between the fingers of my toes. It's way different from the cemented pavements of the city, reminding me of the fast paced and ever busy world. The roads are concrete, people are always in a rush, if you won't walk fast, you could not keep up, you'll be left behind. People won't bother to help you rise, even the people you expect to be there at your worst.



I feel so young and so free whenever my feet touches the sand. I'd watch the waves make blue alive. I am aware of the passing of time but the ticks of the clock don't bother me at all. My heart connects with the waves, my soul with the sun, my mind with the wind. 




Mahirap ang maglakad sa buhangin na may bitbit pang maleta at tsinelas na hinubad ko dahil makailang beses na akong nadapa ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad. Apat na taon na ang nakalipas mula nung huli kong punta dito. Iyon ay para bilhin na ang bahay para kung darating ang araw na pwede na akong magsimula muli ay may mapupuntahan ako. I've always dreamed of the life away from the city, it's how I defined better days.



Ang palatandaan ko lang ay ang duyang gulong na nakatali sa puno ng buko. Pawis na pawis na ako ngunit wala pa rin akong natatanaw na mga kabahayan. Hindi kaya mali ako ng binabaan?



"Anong kailangan nila hija?" Nilingon ko ang lalaking may dalang lambat. Tila katatapos lang mangisda.


"Manong, nasaan na po yung mga bahay dito? Hinahanap ko po yung dating bahay ni Estrella Lopez?"


"Naku hija! Yung dating hilera ng mga bahay diyan," Tinuro niya ang malawak na buhanginan na sa pagkakatanda ko nga ay may mga nakatirik na bahay. "Nirelocate na sa kabilang bayan. May itatayo kaseng hotel ata o transient."



Pucha. Halos sumabog ang mukha ko sa inis, pagod at gutom sa narinig. Pero nasa akin na ang titulo! Naka-pangalan na sakin ang bahay! Hindi pwedeng alisin yun ng walang pahintulot ko! "Eh yung kay Mrs. Lopez po? Nasa akin po ang titulo ng lupa." 


"Nandiyan pa. Yung sa kanya na lang at sa mga Castello ang nakatirik. Medyo malayo pa yun, ihahatid na kita."

Gumaan ang loob ko sa alok ni Manong. I really am grateful for kind strangers because people that I know and knows me are all cruel. Who wouldn't be?

Ipinaubaya ko ang aking itim na luggage at naglakad na.


"Ano nga pala ang pangalan mo hija?" Sa kalagitnaan ng paglalakad ay naalala niyang itanong. Bakit pa? I was hesitant to answer but I don't want to disrespect either. Maybe when you go through lots of shame and pain, even your name becomes a scar.


"Raya po. Raya Helene." I blurted out and hoped we won't cross paths again.


"Ako naman si Arthur. Taga-dito kami dati, kasama kami sa mga nilipat sa kabilang bayan, care taker ako niyang transient sa tabi ng bahay mo." Pagku-kwento niya. Malaki ang lupang nabakante noong nawala ang mga bahay. Maaaring hotel ang itatayo dito dahil sa lawak ng lupain. Kung tatayuan ng hotel ang lupaing ito, dadami ang tao at maaring may mga turista mula sa Manila. The thought of bumping into someone from the city made my insides churn.

Counting SummersWhere stories live. Discover now