Walang Iba
Pagkatapos magsampay ng mga nilabhang damit ay nagluto na ako para sa tanghalian at nagbihis para mag-inquire ng trabahong maaaring pag-applyan sa kabilang bayan. Dahil dito sa Calistoga ay maliban sa pangingisda, pagsasaka at pagkakarga ng mga commercial goods at iba pang supply na nanggagaling sa kalapit na mga bayan o kaya sa Capital ang pinagkakakitaan ng mga tao. Tanghaling-tapat ng binaba ako ng jeep sa terminal ng Balaguer, isang oras ang layo mula sa Calistoga, saan ako ngayon mag-uumpisa?
Mula sa terminal ay nilakad ko ang natatanaw na mataas na structure, Cathedral of San Jose, basa ko sa nakasulat sa haligi ng bell tower. Tantiya ko ay noon pang colonial period itinayo ito, makikita ito sa mga bricks at blocks na gawa sa mga korales na ginamit para sa buong simbahan. Katapat nito ay ang plaza kung saan may dalawang naka-puting polo shirt na nag-aabot ng flyers sa mga dumadaan. Pag-lapit ko dito ay magiliw akong nginitian ng babae at inabutan ng dalawang kopya ng flyers. Sa kaliwang bahagi ng polo shirt nito ay kulay gold na vineyards na nakapalibot sa itim na mga letrang CV na maarte ang pagkaka-calligraphy.
Ang unang flyer ay tri-fold brochure na naglalaman ng tourist destinations sa Balaguer. Hindi ko na pinagkaabalahang basahin ang nakalagay doon dahil hindi naman ako turista. Nagpasya akong maglakad-lakad para maghanap ng kahit anong establishment na may nakapaskil na hiring. Marami akong nakakasalubong na naka-sunglasses at summer hats, bakit ko ba hindi naisip yun? Tirik na tirik ang araw at wala man lang akong dinalang panangga sa init.
Pumasok ako sa isang sikat na fast food at nagtanong sa guard kung pwede bang mag-apply doon ngunit sa kasamaang palad ay hindi na sila tumatanggap ng bagong crew. Aniya'y wala na daw bakante dahil maraming nag-apply na mga bagong graduate o kaya mga estudyanteng nangangailangan ng summer jobs. Sinubukan ko din sa isang kilalang convenience store at kalapit pang mga fast foods at karinderya pero wala na ring bakanteng posisyon. Tatlong oras na din akong naglilibot at nag-iinquire, ultimo pharmacy at remittance center ay napagtanungan ko na pero wala pa din.
"Taga-saan ka ba neng?" Tanong ng babaeng may-ari ng karinderya.
"Sa Calistoga po."
"Ganun ba? Pasensya ka na ha? May nauna na kase eh."
"Ako may alam na trabaho! Pwede ka dun!" Sabat ng isang lalaking kumakain.
"Hoy! Alvaro! Kanina ka pa diyan, walang maupuan ang mga customer ko!" Saway sa kanya ng may-ari ng karinderya.
"Nagbabayad naman--"
Hindi na natapos nung Alvaro ang kung ano man ang sasabihin niya dahil pinutol na siya ng may-ari. "Tapos ka na kumain! Pwede ka ng umalis!"
Lumapit sakin si Alvaro at hinawakan ako sa braso at hinila, "Naghahanap ka ng trabaho diba? May alam ako.." Tumindig ang aking balahibo at tila naubusan ng hangin. Blurred images flooded my mind like a fast paced movie. The hotness of the noon was gone all of a sudden and I felt cold sweat trickling down my spine.
A warm hand held my other arm and pulled me away from Alvaro. The lady owner went out of the counter and stood infront of me. Pushing Alvaro away. "Alis na! Alis!" Alvaro sent me threatening glares before he finally walked away.
"Raya, ayos ka lang?" Sa tabi ko ay ang mukha ng nag-aalalang Nanay Ofel. Tumango ako, still unable to speak because of the fear that filled my veins. I felt like bleeding, yung sugat na walang nakakakita pero ramdam mo yung sakit at hapdi. When will this be over? That night had become my permanent never healing wound. Patuloy na magdurugo pero hindi na masakit hanggang sa may darating na tatabig at magpaparamdam uli nung hapdi, ipapaalala na may sugat ka nga pala at dapat mong maramdaman yung sakit. Hindi makatarungan.
Nanay Ofel's calloused hands were holding my face, her thumb wiping away my tears. "Tahan na anak. Wala na yun..." Hindi ko man lang namalayan na I made my wounds visible through bleeding by my eyes. Before my mind would dig deeper just to find a similar memory of someone hushing my cries, I stepped back and wiped my own tears. I looked around and it dawned on me that we've caused a scene, I've caused a scene...
Tumalikod na ako para umalis pero hinila ako pabalik ng mainit na palad na humawak sa akin kanina. "Uuwi na tayo." Malamig ang boses ng may-ari ng mainit na palad. Nilingon ko ito at nakita ang lalaki sa Complex na naghubad sa harap ng aking patio para magpalaba ng damit! Gusto ko na lang maging bata para may lisensya akong umiyak kahit kailan ko gusto, kahit sa harap pa ng madaming tao! BAKIT KA NANDITO?!! Gusto kong isigaw sa mukha niya pero sa magkahalong lamig at alab ng galit sa kanyang mata ay nanahimik na lang ako.
"Sumabay ka na samin ni Adam, Raya... halina hija..." Sabi ni Nanay Ofel at nauna ng naglakad sa nakaparadang itim na sasakyan na may trident na logo. Gransport, pagkilala ko sa sasakyan na kamukha nung sa kaibigan ko. It's odd and crazy but Mr. Theodore was a friend.
"Get in." Utos ni Adam sakin pagkatapos niyang buksan ang front seat. Si Nanay Ofel ay nakaupo na sa likod at inaantay akong makapasok. Nang hindi ako kumilos ay hinila niya ako. "Ano ba?! Ang hilig mong manghila!" Binawi ko ang kamay ko at lumapit na sa sasakyan. Sinara na ni Nanay Ofel ang pintuan sa likod. Nang makalapit ay naamoy ko ang bango niya at mas nakita ang detalye ng galit niyang mata. Parang nagagalit na tsokolate. He raised his brows that made me roll my eyes.
"Napapahamak ka tuwing hindi kita hinihila malapit sakin." His words were without traces of concern and gentleness. Parang sinasabi niyang walang ibang pwedeng manakit o manira ng araw ko maliban sa kanya. I went in and he pushed the car door close.
-----------------------------------------
To the very few readers of Counting Summers, thank you so much for reading. I know that there are loads to improve, so please, bear with me. I'm still trying to work out the breaks and spaces in between paragraphs because I know few breaks overwhelm the screen. I'm thriving to balance things out.
Thank you, really. You make my heart somersault with so much joy. Raya Helene happened while I am trying to shake the coming of adulting and pressure off. Writing keeps me sane and I discovered new happiness in braving for my words and standing still even with weak and trembling knees while I let other people read my works. It's like walking on the streets naked. My thoughts laid bare infront of everyone. It's fearful but I found joy in it. Thank you so much! I'd love to hear from you too!
YOU ARE READING
Counting Summers
RomanceOfcourse Adam Theory knows the girl. If this is Greek Mythology, the girl would certainly cause another Trojan War. Isa siya sa mga siguradong lalaban para sa babae at hindi niya gusto iyon. Hindi niya gusto na bukod sa kanya ay marami pang naghahan...