Flicker but glow still
Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga. Mabilis ang pintig ng aking puso at hinahabol ang paghinga. Nakaramdam ako ng takot, galit, at hiya. Pilit kong iwinawaksi ang mga imahe ng iba't-ibang kulay ng ilaw na napalitan ng dilim,mga tawanan na napalitan ng mga sigawan at tunog ng baril. Nanginginig ang binti ko sa pagtayo para sana kumuha ng tubig. Kailangan kong kumalma.
Sa katahimikan ng gabi ay dinig na dinig ang tunog ng alon sa dalampasigan. Just to calm my nerves, I went out with a glass of cold water and walked towards the shore. I sat down where the waves won't reach me. I looked up to the nighttime sky, my eyes feasted on the everlasting ebony that stretched to as far as it could, faint lights from the offsprings of the glowing moon lit up the dark. I inhaled the cold breeze of the air and closed my eyes. Tears fell down on my cheeks as waves of memories drowned my mind.
"Montesa, Raya Helene C., Bachelor of Administration and Accountancy, Cum Laude!" Xyle proudly announced as she raised her glass. Nakakahiya ang pagmamalaki niya sa akin pero sa lakas ng musika sa bar ay siguradong wala ng nakarinig sa sinabi niya. Dalawang araw matapos ang graduation ay pinilit niya akong sumama sa bar, isa sa kanyang mga night escapades bukod sa pagdadrive kung saan-saan at pagpipicnic sa gabi mag-isa. Ginawa niyang bala ang hindi ko pagsama kahit isang beses sa mga lakad niya habang nag-aaral pa kami kaya sinamantala niya ang okasyon para mapa-oo ako sa gabing ito. Sabi ko'y dalhin na lang niya ako sa isa sa mga napuntahan niyang lugar at magpicnic na lang kami sa likod ng kanyang Ford Ranger pero pinilit niya ang pagba-bar. Aniya'y hindi pa daw ako nabibinyagan sa aspetong ito ng buhay.
We weren't alone, kasama namin ang ilang mga kaibigan niya kaya kahit tipsy na siya ay hindi pa ako nababahala. "Raya, here, try this." Nilahad ni Josh sa'kin ang isang baso na may kulay brown na inumin. Hindi ako pamilyar sa mga ganito dahil hindi naman ako umiinom. Kahit sa trabaho na madalas ay may nag-aalok sa'kin ay tumatanggi ako at nagrerequest na lang ng pineapple juice. Inagaw ni Xyle ang basong inaabot ni Josh at nilagok yun.
"Hindi siya umiinom." Sabi niya kina Josh. Akala ko ba bibinyagan? Nangingiti akong umiling sa kanyang ginawa. Sabi ko na, mas magandang ideya ang pagpipicnic na lang dahil kahit nandito kami ay hindi niya ako pasusubuking uminom dahil alam niyang ayaw ko nun. Bukod kay Josh ay may kasama pa kaming dalawang lalaki, sina Neil at Marco at tatlong babae na sina Primara, Keala at Nicole. "Loosen up Cum Laude! Isa lang naman!" Sabi ni Josh at inabutan uli ako ng isa pa.
Hindi ko talaga gusto ang amoy ng alak pero ininda ko na lang iyon dahil ayaw ko namang matawag na killjoy. Matapos kong ubusin ang laman ng baso ay kinuha na iyon sa akin ni Xyle para ibalik kay Josh. "Tama na yan! Sayaw na lang tayo Rai." Hinila ako ni Xyle sa dancefloor at nagsimula na siya umindayog sa ritmo ng musika. "Eto ang gusto kong maexperience mo dahil hindi ka naman umiinom... gusto kong makihalubilo ka sa iba maliban sakin..." Hindi na maipokus ni Xyle ang mga mata niya sa akin, senyales na marami na nga siyang nainom. "Rai, salamat ha... I'm just so grateful for everything at masaya ako sa lahat ng narating mo." Dala siguro ng alak ang biglang pagiging emosyonal ng topic namin pero I know what she's grateful for. Hindi ako sigurado kung sapat ba ang pagpapasalamat na iyon para magawa niyang tanggapin at maintindihan ang lahat ng nagawa ko para sa aking pamilya pero susubukan ko. She's a family to me, kaya noong nangangailangan siya ay hindi ako nagdalawang isip na magbigay. Pagkatapos nito, aaminin ko ang lahat at magsisimula muli.
YOU ARE READING
Counting Summers
RomanceOfcourse Adam Theory knows the girl. If this is Greek Mythology, the girl would certainly cause another Trojan War. Isa siya sa mga siguradong lalaban para sa babae at hindi niya gusto iyon. Hindi niya gusto na bukod sa kanya ay marami pang naghahan...