by: Ariel Olaera Omangayon
Isang gabi may nakita akong falling star..
kaagad akong nagwish...
na sana makita ko na yung right person ng buhay ko.
kinabukasan...
biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang isang magandang babae..
sabi ko "ito na yun!"Sumunod na gabi...
nakakita ulit ako ng falling star..
agad akong nagwish...
na sana makita ko yung isa pang right person ng buhay ko.
kinabukasan...
nang makita ko yung maganda at mabait na babae...
bumilis na naman ang tibok ng puso ko...
sabi ko... "ito na talaga yun!"Isang gabi pa ng makakita ulit ako ng falling star....
nagwish na nman ako, sabi ko...
"isa nalang talaga promise... yung pinaka right person para sa akin"
kinabukasan...
nang makita ko yung mabait, maganda, sexy at napakatalented na babae...
bumilis ng pagkabilis-bilis ang tibok ng puso ko...
sabi ko..
"yes.. ito na talaga yun..promise!"pagkatapos ng araw na yun...
sinadya kong mag-abang ng falling star...
isang mabagal na falling star ang nakita ko...
sa halip na magwish, nagpasalamat ako..
kasi sa dinami-dami ng right persons sa paligid ko..
nasa tabi ko lang pala ang hinahanap ko..hindi man sya kasing ganda, kasing bait at kasing sexy at talented ng iba...
pero pag sya ang kasama ko...
nakokompleto ako!