Simula
"Hi bata! Kayo ba yung bagong lipat diyan sa malaking bahay?" tanong ko habang palapit sa batang lalaki.
Nakaupo siya sa ugat ng malaking puno habang nakapangalumbaba. Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita ang itsura niya. Pero sobrang puti niya, 'yun ang sigurado ako.
Andito kami sa bandang likod ng kanilang bago at magara na ancestral house. Madalas akong tumambay sa malaking puno na ito simula ng lumipat kami dito. Wala kase masyadong mga bata sa lugar na ito kaya ako ako lang din ang naglalaro.
He turned to see me and he wasn't pleased. He stare for a while and ended up rolling his eyes on me and return to his original disposition. I smiled in amusement.
"Easy ka lang, hindi ka naman inaano nang-aano ka na. Ako nga pala si Ava. Ikaw anong pangalan mo?" I am walking towards him when he immediately stood up.
Sinimangutan ko siya, "Fine! Hindi ka na lalapitan, napakaarte mo naman, porket mukha kang bakla! Hmp." tukso ko kaya lalo siyang nainis.
"Joke lang! Ang puti puti mo kase tapos ang gwapo gwapo mo din."
I can't stop myself from smiling as I said those words. He's just so cute. He still look pissed and annoyed over god-knows-who or what but he manage to remained cute.
Dahan-dahan na siyang umatras ng hindi tumitingin sa lupa at likod niya dahilan para mapatid siya doon sa ugat ng puno. Natumba siya ng malakas at napaupo sa maliit na putikan. Aba! Hindi pa rin talaga siya naimik.
I laughed. I was about to offer my hand to help him stand when we heard someone from their backdoor.
"Anton!? Where are you, honey?" the woman shouted.
He groaned. That's when I figured out that he was Anton. Hmmmm, Anton? Mas bagay sa kanya ang Snow White. Pareho namin na napansin ang papalapit na mga yapak ng babaeng naghahanap sa kanya kaya agad siyang tumayo, naglakad pabalik sa bahay nila at palayo saakin.
Sinalubong siya ng isang ginang. Maganda ito at sobrang puti din. Baka nanay niya?
"What happened?!" nag-aalalang tanong nito pero nilagpasan lang siya ni Anton. Napaka-bastos!!!!!!!
Bumaling ang tingin nito saakin at ngumiti. Ay dito nga siya nagmana, sobrang ganda din nito.
I smiled back and waive at her. "Hello po. Welcome sa bagong bahay niyo po!"
Ngumisi siya at lumapit saakin. "Hi, hija, anong pangalan mo?" tanong niya.
"Ah, Autumn Avariel po. At your service maam!" sagot ko at pabirong nagsalute sa kanya. Marahan siyang tumawa. Buti pa itong si maam marunong tumawa, iyong anak niya hindi.
"I'm Lucy, hija. And that's Anton, my son. Saan ang bahay mo?"
Mabilis kong itinuro ang direksyon papunta sa bahay namin. "Doon po, mga tatlong bahay mula dito po maam. Malapit lang po." Tumango-tango siya bago binalik saakin ang atensiyon.
"You know what, hija, stop calling me maam. Call me Tita, okay? Tita Lucy na ang itawag mo saakin. Gusto mong pumasyal sa loob ng bahay?" Aya niya na hindi ko naman tinanggihan.
Mabilis na umaliwalas ang mukha ko at agad na kumapit sa kamay niya. Ngiting-ngiti ako habang palapit kami sa gate ng kanilang malaking bahay. Excited ako makita ano ba itsura nito sa loob. Malaki naman ang bahay namin pero mas malaki ito.
Nang ako na ang papasok ng gate, bigla akong nanigas sa sigaw ni tatay.
"Autumn Avariel!!!"
Napapikit ako. Buong pangalan. Lagot.
"Autumn Avariel!!!" ulit niya.
"Sino yun Autumn?" tanong ni Tita Lucy habang hinihintay akong makapasok ng tuluyan.
"Ah hi hi hi Daddy ko po?" hilaw akong ngumisi.
Oh my god!!!!
Palapit na nang palapit si Daddy!!!!!
Oh M GGGGGGGGG!!!!
"Next time nalang pala ako papasyal sainyo, Tita. Bye pooooo!" agad akong kumaripas ng takbo. Dinaanan ko lang si Daddy at iniwasan. Hindi niya ako dapat mahuli ng buhaaaaay!
"AUTUMN!" hindi ako nagpatinag sa sigaw niya at nagpatuloy sa pagtakbo pauwi.
Huminto ako ng nakarating sa harap ng bahay. Malaya akong nakapasok ng gate at loob ng bahay. Wala akong nakitang tao sa loob kaya kampante akong dumiritso sa hagdanan.
Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay nadampot na ako ni Kuya Yash.
"Ang liit pa po ng braso ko baka magkagutay-gutay po ako!" sigaw ko sa mga kuya ko pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya saakin.
"Ah talaga ba??!" si Kuya Duxxy na ginaya ang tono ko.
"Get off meeeeee!" sumakit na ang lalamunan ko pero walang nangyare, hindi nila ako pinakawalan hanggang dumating si Daddy.
"SOBRANG HIRAP BANG MAGPAALAM NA GUSTO MONG MAGLARO SA LABAS AT KAILANGAN TALAGA NA TUMAKAS-TAKAS KA? HA??" dumagundong sa loob ng bahay ang sigaw ni Daddy. Napalunok ako ng maraming laway. Shiiiiit!!!
Habang kabado ako para sa buhay ko, ang tatlo kong kuya naman ay tahimik lang sa tabi at nagpipigil ng kanilang mga tawa.
Bakit ba hindi nalang nag-anak sina Daddy ng maraming babae!? Lugi ako dito sa mga kapatid ko. Lage akong dehado.
Nang makalapit saamin si Daddy, pinaalis na niya sina kuya at kami nalang dalawa ang natira. Nanatili ang tingin ko sa sahig, ayaw kong mag-angat ng tingin kase baka lalo lang siya magalit saakin.
I heard him take a deep breath and sighed. Ngumuso ako. Inis nga talaga siya saakin.
"Sorry na, Daddy!" halos pabulong kong sabi at nag-angat ng tingin. Lumapit ako at yumakap sa beywang niya. "Daddy." I pouted. "Please, don't be mad."
He rolled his eyes. I hide my face from him and I started smiling. I hugged my Daddy tight.
Hah! I knew it!
If Anton is cute enough when mad, I am way cuter when sad.
My brothers will be disappointed haha!
BINABASA MO ANG
My Sadist Lover
RomanceAnton and Autumn knew each other since they were 8. They live and grow in the same community. Since childhood, Autumn have always been so vocal about her love interest towards Anton, but it was never reciprocated. Anton has always been cold, uninter...