Kabanata 2
Sa inis ko kay Anton ay hindi na ako lumapit sa kanya ulit buong araw. At syempre wala siyang pakealam doon. Halos lahat ng mga kumakausap sa kaniyang classmate namin ay pinapansin niya pero kung ako 'yun, wala, deadma lang!
Na-i-imbyerna ako sa kanya.
Napaka-yabang!!
Late akong nagising ngayong araw dahil late na din ako natulog kagabi. Paano ba naman si Kuya Duxxy pumuslit sa kwarto ko at dito nanood ng paborito niyang anime series. Paano ako makakatulog eh napaka-ingay nang speaker. Kaya ayun at inabot ako ng alas dose bago nakatulog. Hindi ako sanay kaya eto at late akong papasok.
"Mag-a-alas otso na, Ava. Bilisan mo na kumain para maipahatid ka na." si Manang Julie na naghuhugas ng mga plato sa may lababo.
Nakaalis na silang lahat sa bahay at ako nalang at ang mga katulong ang andito. Tumango lang ako kay Manang at ginawa nga sinabi niya.
Bandang alas otso na ng nakarating ako sa school at halos wala ng studyante sa labas dahil nga simula na nang klase. Dumiritso ako sa room at naabutan si Maam Lydia na nag-di-discuss sa harapan.
"Goodmorning, Maam, I'm sorry I'm late po." bati ko.
Tumigil siya sa ginagawa at tiningnan ako, "Bakit naman ngayon ka lang?"
"Late po ako nagising, Maam, hihi" ngisi ko. Umiling na lang siya at sumenyas na umupo na ako.
Nakapag-seating arrangement na rin pala sila dahil babae't lalaki na ang mga nakikita ko na magkatabi. Naghanap ako ng bakanteng silya, doon sa may dulo malapit sa bintana, at agad na tumungo doon. Saktong pag-upo ko tinawag ako ni Maam.
"Autumn, sa tabi ka ni Anton. Michelle, balik sa pwesto mo." tumayo naman kaagad si Mich pero mukhang badtrip siya kay Maam.
Umaliwalas ang mukha ko at naalalang may Anton nga pala sa buhay ko. Tingnan mo nga naman, tabi pa kami.
"Paano ba 'yan! Destined talaga siguro tayo for each other." saad ko pagka-upo at tumawa.
"Whatever!" suplado niyang tugon. Tinawanan ko lang siya at nakinig na rin kay Maam.
Active si Anton sa halos lahat ng klase. Madalas siya magtaas ng kamay at mukhang favorite na siya ng mga teacher namin. Top 1 ako noong grade 1 pero sa tingin ko si Anton na ang magiging Top 1 this year. Ayos lang naman saakin iyon.
Malapit na ang oras ng dismissal for lunch kaya kinalabit ko siya. Bago lang siya dito at malamang wala pa siyang kasabay kumain kaya kami nalang.
"Hey, may dala ka bang lunch or sa canteen ka kakain?" bulong ko. Nakatuon pa rin ang atensiyon niya kay Maam na nagsasalita sa harap.
"It's not lunchtime yet, gutom ka na agad?" he sarcastically replied.
"Sabay ka saakin mag lunch para naman hindi ka alone. Ililibre pa kita if you want." balik ko, hindi pinapansin ang pagsusuplado niya.
"I can pay for myself at ayaw ko ng kasama."
"Okay. Pero sasamahan pa rin kita." Hinayaan ko na siya na magconcentrate sa pakikinig kay Maam pagkatapos ng usapan namin.
At nang mag dismissal nga ay lumabas siya kaagad na mabilis ko namang sinundan kaya lang ay naharang ako ni Mavie, "Sa canteen ba tayo?"
"Oo. Isasabay natin si Snow White! Kita nalang tayo doon." mabilis kong sagot at kumaripas ng takbo para maabutan si Anton.
Nawala na nga siya sa paningin ko kaya baka nasa canteen na kaya huminto na rin ako sa pagtakbo. Pagpasok ko ay nahanap ko siya sa dulo nitong canteen, mag-isa.
When I checked his table it's still empty. Possibility is that he's just waiting for it to be serve or he hasn't ordered yet. So instead of buying mine directly, I went straight to him to ask.
"Hey, nag-order ka na?" tanong ko at diritsong umupo sa tapat niya.
"Yeah." bored niyang sagot kaya agad na akong tumayo at bumili ng akin. Nasa linya na sina Mavie kaya sumingit nalang ako. Nauna na si Mich at Jessel sa unahan, balak ko sanang sa kanila sumingit pero tinulak lang nila ako. Hindi nalang ako umimik at dumiritso na kina Mavie.
"Bakit?" Tanong niya nang mapansin na nakabusangot ako. Umiling nalang ako kase baka awayin niya pa.
Dahil nga nauna sa pila sina Mich at Jessel ay una din silang nakaalis sa counter. Hinintay ko si Mavie na matapos bago bumalik sa table namin kung nasaan sina Anton. Pagdating namin sa lamesa ay wala ng bakanteng lugar sa tabi ni Snow White. Aba! Kaya pala nagmamadali 'tong maldita na 'to.
"Mich, ako diyan!" tawag ko sa atensiyon niya dahil pacute siya ng pacute kay Snow White.
"Ahm, Anton said na tabi daw kami, eh!" maarte niyang sagot. Tumaas ang isa kong kilay. What??
"Sinabi mo iyon?" tiningnan niya ako at tinaasan din ng kilay.
"Oo, bakit?" hamon niya.
Hindi na ako sumagot at hinila si Mike para makigpagpalit. Apat lang ang kasya sa iisang lamesa at tatlo na silang nasa lamesa kasama ni Anton. Si Mavie at Kiel naman ay nasa katabing mesa kasama si Mike. Hinila ko siya para siya ang umupo sa tapat ni Mich dahil naiinis ako sa kanya.
"Inagawan ka? Gusto mo sabunutan ko?" Pabirong tanong ni Mavie.
"Huwag na baka lalo pa pumangit 'yan!" asar kong sagot.
Nauna si Anton umalis pagkatapos naming kumain. Hindi ko na siya sinundan dahil katatapos ko nga lang at busog pa ako. Si Mich at Jessel naman ay naiwan sa lamesa. Sabay-sabay naman umalis ang mga kaibigan naming lalake dahil maglalaro daw sila ng basketball sa gym.
Saglit pa ay tumayo na sina Jessel at inaya akong bumalik sa room. Naabutan ko si Snow White na natutulog sa upuan niya kaya hinayaan ko lang. Natapos ang araw na iyon na hindi ko masyadong kinulit si Anton dahil nga naiinis pa din ako sa nangyare nang lunch.
Nang naglabasan ay hinila ko ang braso niya para mapasunod siya saakin.
"Bitiwan mo nga ako!" singhal niya.
"Sabay na tayong umuwi kase, pareho lang naman tayo ng daan." sagot ko, hindi tumitigil sa paglalakad palabas ng corridor.
"So? My sundo ako ano ba!" hinablot niya ang kamay niya kaya pareho kaming natigil. Dahil nga nabitawan ko siya ay mabilis niya akong tinakbuhan.
"Uyyyy hintayin mo 'koooo!" sigaw ko at hinabol siya.
Mabilis siyang tumakbo palabas ng gate at dumiritso sa nakaparadang itim na sasakyan sa labas. Naghihintay ang kanilang driver at agad siya na pinagbuksan. Nang sinarado ni manong ang sasakyan ay sumigaw na ako.
"Manong, hintayin mo 'ko isusumbong kita kay Tita Lucyyyyyy!" nagtataka man ay binuksan pa rin ni Manong ang sasakyan.
"No! Get her out!" Hysterical niyang sigaw sa driver nila. Too late! Nakasakay na ako at naisarado na ang door.
"Hindi lang masama ang ugali mo, madamot ka din!" sambit ko sa mukha niya. Umusog siya sa dulo ng backseat at nanahimik nalang. Nanahimik na rin ako.
Ngiting-ngiti ako sa tabi niya hanggang sa nakarating kami ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
My Sadist Lover
RomanceAnton and Autumn knew each other since they were 8. They live and grow in the same community. Since childhood, Autumn have always been so vocal about her love interest towards Anton, but it was never reciprocated. Anton has always been cold, uninter...