Kabanata 4

7 0 0
                                    

Kabanat 4




Mabilis lang na lumipas ang panahon. Kakatapos lang ulit ng summer at pasukan na naman. Hindi ako makapaniwala na Grade six na ako ngayong taon at hindi magtatagal, high school na.

Mas lalo akong na-e-excite. Syempre kasama pa din sa journey ko si Snow White. Seat-mate kame hanggang last year kaya araw-araw akong ganado. At oo nga pala, dati di ba ang sabi ko ay hindi ko siya crush?! Pero mula noong grade 4 kame ay naconfirm ko na crush ko nga siya. At nagseselos ako sa mga babaeng nakakangitian niya at mahinahon na nakaka-usap.

Dumami ang mga nagkagusto sa kanya sa school simula noong nag grade 4 kame dahil nasali siya sa pageantry for Intramurals. Mas lalong dumami ang nagpapapansin sa kanya kaya nahirapan na din akong bakuran. Kahit nga higher year, crush siya.

Hindi ko din naman sila masisisi. Paano ba naman at bukod sa gwapo siya ay nangunguna din siya sa klase. Kahit na gusto ko siya ay hindi ko hinahayaang madistract niya ang pag-aaral ko.

Hindi ko din ni minsang inisip magpretend na bobo para lang magpapansin sa kanya. Oo, madame sa mga naging classmate namin ang nag-bobobo-bobohan para lang magpapansin sa kanya kesyo gusto magpaturo. Kahit madali lang naman ang topic, duh.

Madalas ako ang kalaban niya sa pagiging Top 1. Akala ko noong grade 2 kame ay siya ang magiging Top 1 pero naungusan ko siya sa exam. Nainis siya saakin pero wala namang bago doon.

Grade 3 and 4, he's on top and I'm his second best. Pero last year, nasa akin ulit ang korona. Paano ba naman sobrang daming nagpapaturo sa kanya kahit lahat naman halos section A. Classmate lang namin, duh.

Tumalsik ang lip gloss na hawak ko nang kumalabog ang pintuan ng aking kwarto, "Sasabay ka ba, Tom, o pabalikan ka nalang namin? Bagal mo!" boses ni Kuya Duxxy ang naririnig ko sa labas.

At oo nga pala, magkasama na sila ni Kuya Raegan sa school dahil nasa Grade 9 na siya ngayon. Si kuya Raegan naman ay graduating na ng Senior High School.

Mabilis kong dinampot ang aking bag at pinagbuksan siya ng pinto, "Eto na nga oh!"

Sinarado ko ang pinto at inunahan siya sa pagmartsa pababa ng hagdanan. Nakasunod siya saakin habang sinisita ako tungkol sa labi ko.

"Saan ka natuto niyan?" huling tanong niya bago ko sinagot.

"Hello? I'm 11 kuya. I have all the rights to use a lip gloss." sagot ko habang sumasakay sa tabi ni kuya Raegan na kanina pang nasa sasakyan.

Pinasadahan niya rin ako ng tingin at tinaasan ng kilay, "Para kanino ka ba nagpapa-ganda?"

"For me, duh!" inirapan ko siya.

"Good answer!" They both said in unison.

Nanahimik kaming tatlo hanggang makarating kami sa school. Bumaba si Kuya Duxxy at pinagbuksan ako ng door.

"Huwag kang lalande, baby girl." nakangising asar niya bago bumalik sa loob. Hinintay kong umalis ang sasakyan namin bago ako naglakad papuntang classroom.

Lumaki ang ngiti ko nang nahanap ko si Snow White sa dulo ng room. May bakanteng upuan sa tabi niya kaya mabilis na nilapag ko ang aking bag doon.

"Abaaaa! Kamusta bakasyon niyo? Wala kang pasalubong saakin?" Nag-angat siya saakin ng tingin.

Anong tubig ba meron sa US at biglang lalong umextra ang kagwapohan nito?! Sigurado akong namula ako dahil uminit bigla ang pakiramdam ko.

Punyemas ang gwapo talaga!

"Ba't ko pa dadalhin eh magkapit-bahay lang tayo?" suplado naman.

Umiwas na ako ng tingin pero nagpatuloy ako sa pagngisi, "Sabi na eh, hindi mo ako makakalimutan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sadist LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon