CHAPTER 02- Hideo, My Crush!

4.5K 133 24
                                    

HIDEO! Hideo! Hideo! At isa pang Hideo. Never yata akong magsasawang banggitin ang napakagandang pangalan ng aking crush na si Hideo. Para siyang bawal na gamot na nakakaadik. Well, I am still lucky na hindi pa rin nag-gi-girlfriend itong si Hideo. Maybe, hinihintay lang niya ako na magpakita sa kanya ng motibo. Pero palagi naman akong nagpapakita ng motibo sa kanya, e. And besides, kung gusto niya ako, dapat siya naman ang magpakita ng embutido. I mean, motibo pala.

Hay… Hideo…

Bakit ba masyado kang pakipot? E, obvious naman na like na like mo ako! Dinadaan mo pa ako sa mga masungit effect mo, ha. Akala mo naman matatakpan mo niyan ang pagkagusto mo sa akin. I can read people through their body language. I will not make a move naman kung alam kong wala kang nararamdaman sa akin. Ako yata ang babaeng hindi nagsasayang ng effort sa mga walang kwentang tao. Kung wala akong mapapala sa’yo, hindi kita papansinin.

Kanina pa ako nakaupo dito sa aking seat sa classroom namin habang nakatitig kay Hideo na nakaupo rin. Kapag napapatingin siya sa akin ay nag-li-lip bite ako with kindat. Feeling ko ay isa akong tiger na handang manlapa ng biktima nito sa mga oras na iyon. Parang masusuka ang hitsura niya. Ang cute lang!

Classmates kami and unfortunately, kaklase rin namin si Mirabelle na as of now ay nakikipag-chikahan sa mga friends niyang like her is mga pabebe! Yuck! Ayoko talaga sa mga katulad nilang pabebe. Naiirita ako sa mga taong ganiyan. Pabebe din naman ako pero kay Hideo lang. Iba talaga ang epekto niya sa akin! Sa kanya lang talaga ako nagkakaganito.

“Mirasol!” Nagulat ako nang umupo sa tabi ko ang aking kaibigan na bakla na si Josh or Dyosa. As usual, ang kapal na naman ng make up niya. He’s lucky dahil hindi mahigpit ang rules ang regulations dito sa school kaya kahit pumasok siya na parang sinampal ang pisngi ay okay lang. Walang sumisita sa kanya.

“Ano ka ba naman, Dyosa! Nakakagulat ka. Lalo na 'yang mukha mo! Ang pangit mo! Ang lakas makasira ng araw. Sa totoo lang!”

“Wow! Hiyang-hiya naman ako sa mukha mo!” He touched my face. “Ganda ka?”

Inalis ko ang kamay ko. “Don’t touch my face with your hands! Baka lalong dumumi ang mukha ko! At wala akong sinabing maganda ako, okay? Basta, parehas tayong pangit. Period!”

Tanging si Dyosa lang ang nakakapang-lait sa akin ng harapan dahil sa close na kami. Iniligtas lang naman kasi niya ako noong elementary noong na-bully ako dahil sa pangit ako. Nakipagsabunutan pa talaga siya na akala mo ay amasona. Kaya after that ay naging best of friends na kami. Kami nga ang napagkakamalan na kambal imbes na ako at si Mirabelle, e.

“Teka, mukhang busog na busog na ang mata mo kanina pa, ah! Quota ka na ba diyan kay Papa Hideo mo?” aniya sabay nguso kay Hideo.

“Oo naman. Busog na busog talaga! Nakapag-dessert na nga ako, e! Dyosa, sa tingin mo kailan kaya mawawala ang pagka-torpe ni Hideo? I mean, obvious naman na he likes me pero parang nahihiya lang siyang ligawan ako.”

“Si Hideo? Torpe? I’m afraid he’s not. Nakita ko kaya siya noong last day ng school natin noong third year tayo, kausap niya ang sister mo and he gave her flowers! As in boquet of flowers!”

“Ikaw naman. Basta, bulaklak! Saka inaano ka ba, ha? Oo, totoo. Binigyan ni Hideo ng bulaklak si Mirabelle. Kilig na kilig pa nga ang kakambal mo!”

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Dyosa. “What?! Is that true?”

“Yes na yes! Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo? Ako na lang ang totoo sa iyo, Mirasol. Alam mo 'yan!”

“That bitch! Sinasabi ko na nga ba at inaagaw niya sa akin si Hideo. Kahit kailan talaga, kontrabida sa buhay ko ang Mirabelle na iyan! Hay! Kailan ba kasi mawawala ang pagkatorpe niya sa akin?”

Chaka MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon