Hintay

96 3 4
                                    

Paanu ko ba sisimulan yung salitang mahal kita?
Kung takot akong marinig yung sagot mong sorry may mahal akong iba.
Napapa-atras ako kapag naiisip kong wala akong pag asa.
Pero takot naman akong mawala ka. Nung hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ka, yun narin ang araw na tinangap ko sa sarili ko na meron nang na-una.
Alam kong mali pero maghihintay ako dahil sa mahal kita.
Ngunit hindi ko pipilitin ang panahon na ibigay ka sakin kundi hahayaan ko lang sila.
Uupo nalang ako sa isang tabi at mananahimik habang pinararamdam ko sayo kung ga-anu ka kahalaga at na gusto kita wala nang iba ..
Hindi ko kailangan makipag kompitensya sa kanya dahil wala din naman akong magagawa diba ?
At wala akong balak na agawin ka, dahil ang mahala lang sakin ngayun ay SAYO ako masaya at SAYO lang ako sasaya kahit may mahal kang iba.
Susulitin ko nalang yung friendship na meron tayo ngayun.
Para kung sakaling iwan ka nya wag kang mag alala may friend kapa na sayo ay mamahal higit pa sa ginawa nya.

The Dreamer

Mga Tula para kay CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon