Bawat isa sa atin ay meron itinakda, iyon ang tinatawag na TADHANA.
Gaano man katigas ang iyong ulo meron at meron darating sayo para magpalambot nito.
At kahit ikaw pa ang pinaka matapang na tao sa buong mundo, Kapag nakaharap mo ang taong mag papatibok ng puso mo.
Panigurado titiklop ka at matataranta sa presensya nito.
Isang tao na mag papabago ng buhay mo.
Sya ang bubuo at kukumpleto sayo.
Lahat matututunan mong gawin,
kahit pa ang ini-ingatan mong pride maiba-baba mo wag lang syang mawala sayo.
Sya na magpapabago ng pananaw mo sa buhay mo.
Na magiging dahilan ng pag-gising mo sa umaga na may ngiti sa labi mo.
Yung tipong kahit bumalik pa yung dating minahal mo ng todo,
hindi mo na sya kayang ipag-palit dito.Kung hindi man ikaw ang soulmate ko Sana ikaw ang tadhana ko.
#krizthedreamer
BINABASA MO ANG
Mga Tula para kay Crush
De TodoAng mga tulang ito ay nagsasabi ng mga bagay na di ko kayang sabihin ng harapan kaya dito ko sa liham pinadadaan. Mga tunay na nararamdaman ko, Minsan malungkot minsan masaya .. At Ginawa ko to para sa isang taong nagbigay sakin ng panibagong SAYA .