Bakit ganun ,Alam mo ba gusto kita lagi nakakausap.
Kung pwede nga lang gusto ko lagi ko marinig yung boses mo.
Yung tipong gustong gusto ko itanong sayo kung pwede kang tawagan kasi gusto ko talaga naririnig yung tinig mo.
Kaso alam mo yung kahinaan ko ,yung rejection hindi ako malakas na tao na sige lang ng sige kahit hindi naman pwede.
Natatakot akong baka maistorbo kita sa mga ginagawa mo,
At okay lang ba sayo na gawin ko yung bagay nayun or baka makulitan ka. Yan yung mga bagay na palaging tumatakbo sa isipan ko kaya natatakot ako.
Kaya madalas pinipili ko wag nalang mag tanong.
Minsan kapag kausap kitaa natataranta ako sa mga dapat kong bitawan na salita sayo.
Kahit planado na minsan yung sasabihin ko madalas nawawala ako sa linya ko.
Di ko makontrol yung nararamdaman ko kapag namimiss kita parang signal #4 binabagyo yung dibdib ko sa kaba dahil na-aalala kita.
Kapag di ka nag paparamdam bahagyang bumabagsak naman yung luha ko parang nawasak na dam hindi ko mapigilan yung pag agos nito.
Ganun ba talaga kapag nag mamahal ka?,Hindi mapakali bawat sandali, feeling ko nagkakaroon na ng trapik sa utak ko dahil humihinto ang mundo ko pag dating sayo.
Na datirati hindi ko kayang mag isa gusto ko palaging may kasama.
Pero ngayun nagbago bigla mas ginugusto ko nang laging nagiisa habang ini-isip ka.
BINABASA MO ANG
Mga Tula para kay Crush
RandomAng mga tulang ito ay nagsasabi ng mga bagay na di ko kayang sabihin ng harapan kaya dito ko sa liham pinadadaan. Mga tunay na nararamdaman ko, Minsan malungkot minsan masaya .. At Ginawa ko to para sa isang taong nagbigay sakin ng panibagong SAYA .