CHAPTER FOURIlang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin malimutan ni Abby ang kanyang napaginipan. Pinagpapawisan at malakas pa rin ang tibok ng puso nito. Hinihingal pa rin siya at hindi makapaniwala sa lahat.
Isip ng isip si Abby kung bakit ganun ang panaginip niya, na para bang ipinamigay siya ni Zander sa iba, na para bang pinapalaya na siya nito sa mga memorya nilang dalawa--ang mga memorya na nagsisilbing salbabida ni Abby sa gitna ng karagatan.
"Bakit Zander?" Tanong ni Abby sa kawalan habang nakaupo pa rin siya sa kama at nakasandal sa headboard nito.
Sumasakit ang sentido nito na para bang may paulit-ulit na pumupukpok dito.
God, bakit nagising pa ako?! Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ang bigat bigat. Para bang tuluyan na akong iniwan ni Zander, muling naisip ni Abby at saka muling tumulo ang kanyang mga luha.
Kanina ay nandito si Ana para aluin siya at patahanin pero nakatulog siya kakaiyak at ngayon, heto siya, muli na namang umiiyak.
Pero bigla niya itong pinunasan nang may marinig siyang mga boses sa labas ng kwarto niya. Tila para bang may mga nagtatawanan at may mahinang musika doon.
Anong nangyayari?
"Ana?" Tawag niya pero tanging ang mga ingay lamang sa labas ang naririnig niya. Kanina lang ay wala ito. Nagtataka siya kung bakit biglang nagkaroon ng pagsasaya sa labas ng kwarto niya.
"Ana?" Sinasabi niya habang naglalakad siya at paglabas niya ng kwarto ay nakita niya ang mahigit kumulang bente katao sa salas nila.
"Abbbbby!!" Masayang bati ni Analeigh sa kanya at inakbayan siya nito. Ngiting-ngiti rin ito. "Guys! This is Abby. My new housemate!" Sigaw niya sa buong crowd. Kanya-kanya naman itong bumati sa kanya. Ang ilan ay may kasama pang halik at yakap.
I'm used to this kind of crowd pero hindi na ngayon, sabi ni Abby sa isip.
Mukhang may party at ayaw niyang maging sagabal. Kaya mas pinili niya na lamang bumalik sa kanyang kwarto. Pero pinigilan siya ni Analeigh sa gagawin.
"Abs, where do you think you're going?" Sabi ni Ana habang hinihila siya pabalik sa gitna ng crowd. "This is our party! Kaya dapat nandito ka."
"Ana..."
"Please, Abby. Ayokong malungkot ka at magmukmok sa kwartong iyon kaya nagtawag ako ng friends to have a party."
"Party para sa akin?"
"Of course, para kanino pa ba? Para ma-cheer up kita."
"Pero Ana..."
"Please? Pretty please?"
Wala na lang nagawa si Abby kundi ang pumayag. Naisip niya, sino ba naman ang makakahindi sa mukha ni Ana. Kulang na lang ay kuminang ito habang nagmamakaawa siya.
"Fine. Pero saglit lang ako."
"Sure. Sure."
At ang saglit na sinabi ni Abby kay Ana ay naging madaming oras na umabot hanggang mag-uumaga na. Pero ni isang patak ay hindi nakatikim si Abby ng alak. Ipinangako niya sa sarili niyang hinding hindi na siya magiging tulad ng dati.
Hindi kalakihan ang apartment ni Ana, pero sa dami ng tao ay nahirapan siyang hanapin ito. Bawat hakbang niya ata ay mahaharangan siya ng tao at kakausapin siya nito. Itatanong ang paulit-ulit na tinatanong sa kanya.
"Hi, Abby. Where are you from?"
"Abby, anong work mo?"
"Matagal ka na bang housemate ni Ana?"
"Paano kayo nagkakilala? Relatives?"
"Na-meet mo na ba ang bago niyang lalaki?" That question came from a man. A drunk man. At mukhang galit ito. Kung kanino, hindi ito alam ni Abby kaya mas minabuti niya na lang na lumayo dito. Tutal mukhang ilang segundo na lang ay babagsak na ito.
Pero lahat ng tanong na iyon ay nalimutan ni Abby nang may magtanong sa kanya ng, "Sa tingin mo, naka-move on na si Ana sa namatay niyang boyfriend?" Hindi nasagot ni Abby ang katanungan na iyon dahil una, hindi niya ito alam at pangalawa...hindi siya ang tipo ng tao na matanong.
"Hanapin ko lang si Ana." Ang tanging nasagot niya sa babae.
Habang naglalakad siya ay nagiisip siya na namatayan rin pala si Ana. Kaya ba siguro malapit sila sa isa't isa ay pareho sila ng pinagdaanan?
Iniling-iling na lang ni Abby ang kanyang ulo at muling hinanap si Ana.
Ilang minuto niya rin itong hinanap nang maisipan na lang niyang bumalik na lang sa kwarto dahil nagsisimula na naman kumirot ang kanyang ulo. Gusto na niyang magpahinga at matulog. Tutal, nakisalamuha naman na ito sa mga kaibigan ni Ana.
Unang pinuntahan ni Abby ang kanyang kwarto pero bago siya pumasok ay pumunta muna siya sa kwarto ni Ana na may purple na kulay na pinto. Natuwa siya dahil kahit naging doble na ang dami ng tao kumpara sa mga naunang oras ay walang nag-tangkang pumasok sa mga kwarto nila.
Sana natutulog na si Ana pero may rason na akong pauwiin na ang mga tao, naisip ni Abby. Alas tres na rin kasi na madaling araw.
Sumiksik pa siya ng kaunti hanggang sa mapuntahan niya na ang kwarto ni Ana.
Pagbukas niya ng pinto bumungad ang nakatalikod at nakaluhod na si Ana habang...habang may ginagawa ito sa pagkalalaki ng taong nakahiga sa kama. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat pero ang mas ikinagulat niya pa rito ay ang lalaki. Dahil habang nangyayari ito ay nakatingin siya kay Abby.
A/N: Sorry.
BINABASA MO ANG
The Housemate's Bedmate.
RomanceSi Abby, isang taong umibig, nawalan, nasaktan, at lumayo.. lumayo sa buhay na wala siyang ginawa kundi ang mahalin lang si Zander.. Sa paglayo niya, makakakilala siya ng mga bagong tao sa buhay niya na hindi niya aakalaing mamahalin niya ng higit p...