CHAPTER ONE
Isang taon na din ang nakalipas simula ng mangyari ang bangungot sa buhay ni Abigail Marie Villegas. 25 taong gulang, tubong Bangui, Ilocos Norte.
tuwing 3:54 hanggang 4:00 ng umaga lagi na lang siyang magigising at pinagpapawisan ng malamig. Ilan buwan din niya itong tiniis. Nagkatrauma siya, dahil sa pangyayari. Iiyak siya at magwawala, kaya simula nun unang beses pa lamang na mangyari sa kanya ito, napagpasiyahan na lamang ng ina niyang si Lenaida na pansamantala na lamang muna siyang matulog sa kwarto ni Abby.
Nagiba ang itsura ni Abby. Ilang beses na din siyang nagpakamatay, pero sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi niya pa oras. Sa tingin niya, kung mawawala na din siya sa mundong ito, maaaring sa kabilang buhay makukumpleto ang pamilya niya. Araw-araw, iniisip niya kung babae ba o lalaki ang anak niya.. umiiyak siya habang humihingi ng patawad sa nawalang anak.
palaging lasing, tumaba at nawala ang kinang ng mga mata ni Abby. Ni ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nasubukan niya na din. Wala naman magawa ang ina at mga kapatid nito.
Ilang buwan din siyang naging ganon.
Isang araw, ng matauhan siya nang nasa hospital muli dahil sa overdose. Naalala niya si Zander at ang mga pangarap nila. Pangarap nilang makilala sa buong mundo. Ang maging sikat na photographer. Naalala din niyang hilig niya ang pagpipinta.
Nagulat ang mga tao sa paligid niya ng bigla ulit siyang nag-ayos ng sarili. Nagpapayat din siya pero ang mga kinang sa mga mata niya ay tuluyan na ngang naglaho.
"Anak, mukhang maganda ata ang gising natin ngayon ahh." ang sabi ng kanyang ina
ngumiti lamang ito sa kanyang ina.
Gumaan ang pakiramdam ng mga kasama ni Abby sa bahay at nagkaroon ng kumpyansa na babalik na ang dating Abigail Villegas na mabait, masayahin at matulungin sa kapwa.
Kahit siya man, masaya siya sa gagawin niya.. at desidido na din siya.
---------------
"Ma, saan pupunta si Abby?" ang tanong ni Arthuro, ang nakakatandang kapatid ni Abby.
"Hindi ko nga alam eh, madami bang dala?"
"Madami! halos dalawang maleta ma. Saan ba siya pupunta kasi ma?" ang may pagaalalang tanong uli ni Arthuro kay Lenaida.

BINABASA MO ANG
The Housemate's Bedmate.
RomantizmSi Abby, isang taong umibig, nawalan, nasaktan, at lumayo.. lumayo sa buhay na wala siyang ginawa kundi ang mahalin lang si Zander.. Sa paglayo niya, makakakilala siya ng mga bagong tao sa buhay niya na hindi niya aakalaing mamahalin niya ng higit p...