Only in Dreams.

8.2K 82 11
                                    

 CHAPTER THREE

"ate, malapit na tayo.. dyan! bago magpizza hut." turo niya.

"Paano ka nakarating dun sa caltex kung dito ka pala nakatira?" bigla ko na lang tinanong, feeling ko naman close na kami.

"Gago kasi un taxi driver e! dun ba naman ako ibinaba." nagsasalita siya habang ang kamay niya ang tumuturo sa dadaanan namin.

-------------

"welcome! eto ang bahay ko! enjoy! shower lang ako, i smelled eew na pala.." pumasok siya sa cr pagkatapos niyang sabihin to. natawa naman ako.. 

sumigaw siya galing sa cr.. "dyan ka sa pink na door ate! Go! feel at home ka lang!"

nakita ko nga, pink at purple ang mga pinto. kwarto niya siguro yun purple. malamang Abby. Pumasok na ko sa kwarto, maganda siya. at maganda un design ng unit niya. Maya maya lumabas na siya galing cr ng walang saplot sa katawan. as in WALA! kung lalake makakakita nito sasabihin nila Perfect View.  napatalikod naman ako, ako pa nahiya para sa kanya. 

"masanay kana, ganito na talaga ako ate.. kaya siguro ako iniwan ng mga roommate ko." sabi niya habang kumukuha ng juice sa ref.

malamang nga, kung palagi kang ganyan. pero keri lang, were both female naman. kaya lang naaasiwa ako. 

pumunta siya sa likod ko at nagsabi ng "nga pala ate, i'm Analeigh.. ikaw si ate??" pagharap ko. bumungad sa harap ko ang dalawang... bundok?  "Abby."

"Nice meeting you ate ABBY! how old are you na nga pala ate?" tanong niya uli. so, question and answer portion pala kami ngayon.  

"25. you?" nakakita ako ng towel sa may upuan at binigyan ko naman agad sa kanya. umaalog kasi.

"25 ka lang??" lang?

"Oo, bakit?" tanong ko uli.

"26 na ako. Akalain mo yun, kanina pa kita tinatawag ng ate.. pero ako pa pala tong matanda kesa sayo. hahahaha." 26 na siya? di nga????

"sure ka bang 26 ka na? di kasi halata. ang bata mo kasi tignan."

"Yes! abd the last time i checked... mmmm. 26 na ako. Kagabi lang!" 

"well, belated Happy birthday ATE Analeigh!" nagtawanan lang kami sa sinabi ko. totoo naman talaga diba?

----------

The Housemate's Bedmate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon