Who's That Drunk Girl?

8.8K 61 0
                                    

 CHAPTER TWO

8 hours din ang byahe ni Abby. Nakarating na siya sa Manila. Masaya siyang makabalik dito ng solo. Usually kasi kapag pumupunta siya ng Manila kasama ang pamilya. bigla niyang naalala ang kuya niya. nalungkot siya bigla, di niya gustong saktan ang kuya niya.

Nakaramdam na din na gutom si Abby. Wala silang kamag-anak dito kaya wala siyang pwedeng tuluyan.. pero magsstay na lang siya muna sa isang hotel. Naubos kasi ang ipon nito sa naging bisyo. Hindi niya naman to sinabi sa pamilya. buti na lang ay may ibinigay si Lenaida sa kanya kanina. 20 libo din ito.

bumaba na muna ito sa kotse niya para humanap ng kakainan. Then, nakita niya 'Cafe De Seoul', pumasok siya at nag-order ng brussel waffles at Ddalgi Sonagi (mixtures of Kiwi and strawberry)

nabusog siya sa mga kinain niya, at masarap pala dun. mukhang bagong tayo lang siya pero madami ng customer.

pasakay na uli siya ng kotse niya ng may humarang sa kanya. kinuha nito ang bag niya, hindi na siya nakapalag dahil may hawak tong patalim.

Abby's POV:

"Malas!" yan lang nasabi ko sa sarili ko matapos akong maholdup.

nanginginig ako sa takot ng itutok niya sakin yun kutsilyo niya. Akalain mo nga naman na mangyayari sa akin to e ang dami naman tao dito. Naisip ko tuloy bigla na umuwi na lang uli sa Ilocos. Pero hindi pa kasi pwede. 

"Karma ba to? Paano na ako? Saan ako tutuloy nito?" ang sabi ko sa sarili at pinaandar ko ang sasakyan ko.. paikot ikot lang ako dito.. 

"teka nasan na ba ko?" mukhang timang lang, kausap ko sarili ko.

nag google map ako at nasa Malate pala ako. buti na lang iniwan ko cellphone ko dito sa kotse. 

Nakita ko may caltex, nagstay muna ako sa gilid ng station. naantok na kasi ako.. sana walang makapansin sakin dito.

kotse (Hyundai EON) at ang cellphone (xperia Z) na lang ang tangi kong maaasahan. ni wala na kong pera pangrent ng hotel.. naisipan ko na lang matulog muna dito sa sasakyan.

~~~~~~~~~

nagising ako sa hampas ng tao sa kotse ko. Nakaramdam na naman ako ng takot. Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga ko.. baka sakaling hindi ako makita dito sa loob ng kotse, wala na kong mabibigay kung mahoholdup uli ako...

tumingin ako sa relo ko. 2:46 AM na, hindi pa din ako makagalaw.. hinihintay ko lang umalis kung sino man yung naaligid sa kotse ko. Bakit ba kasi dito pa ko napadpad! 

 naiihi na ko. Siguro naman wala na yung umaaligid kanina..

lalabas sana ako para maghanap ng cr pero pilit ko man buksan yun pinto ko dahil nasa driver's seat pa din ako.. hindi ko mabuksan, parang may nakaharang. 

lumipat ako sa kabila para dun na dumaan at pagkasilip ko sa gilid ng driver's seat..

may nakahandusay.

agad kong tinakbo at ginising ang nakahandusay sa tabi ng kotse ko.

"Miss! Miss!" ang sabi ko dito.

"Miss! gumising ka! Miss!!" hindi pa din ito nasagot.

amoy alak siya. akala ko patay na kaya nawala ang kaba ko ng bigla siyang magsalita..

ay! hindi pala siya magsasalita. susuka pala siya. (paumanhin sa word ko kung may kumakain man habang nagbabasa) muntikan pa akong masukahan, natauhan na din naman siya agad after niya mag...... Oo, yun na nga.

"Serry ate! nasebrahan ata ako ng inom.. Teka, nasan ba ko?" tumayo siya pagkasabi niya.

ako nakatingin lang, baka isa na naman tong modus ng mga masasamang nilalang dito sa lugar na ito. pero baka hindi naman? ang ganda naman kasi nito. parang model. 

matangkad, siguro mga 5'8 ang height niya. ang kutis, parang gatas ipinanliligo nito. Makikita mo naman na maganda siya kahit mukhang wasak ang itsura niya. Party Girl ang style nito.

parang ako, mahilig sa mga party, magclub or magbar sa Ilocos. Oo, merun naman don akala niyo wala. Pero ang pinagkaiba lang namin, siya matangkad ako maliit. siya maputi ako kayumanggi. at siya maganda ako hindi.

"Shit! argh! Shit!!!! gagong taxi driver na yon! sabi ko Adriatico Residences hindi dito! Bobo!!" ang sabi niya habang nagpapa-padyak sa galit. mukhang nahimasmasan na siya. pero alam mo pa din malakas tama niya kasi paugoy-ugoy siya.

pero mukhang okay naman na talaga siya kaya naman pumasok na lang uli ako sa kotse ko. Umatras na kasi ihi ko. humiga na uli ako pero bago ko pa man ipikit mata ko, nagulat ako sa pagkatok uli ng babae. ibinaba ko naman ang salamin ng bintana ng kotse ko.

"Ate, salamat po!" ang sabi niya at tsaka siya nagsmile.

"okay lang yun. Sige ingat ka ahh. madaming loko-loko dito.." sabi ko naman sa kanya at nagsmile din ako. nakakahawa kasi yun smile niya.

"I know ate.. pero teka ate.. dyan ka matutulog sa car mo?" ang tanong naman niya sa akin.

"ah! eh. Oo. minalas lang kasi ngayong araw." sagot ko naman.

"naholdup ka no? kasi di ka naman mukhang mahirap at walang pera." tama ang sabi niya.. na naholdup nga ako. kaya imbis na sumagot ako, tumawa na lang ako ng alanganin para hindi na humaba ang usapan.. kasi naman naantok na ko talaga, bukas pa naman maghahanap na ako ng trabaho.. ay, mamaya pala. 4 na pala ng umaga. 

"Ako din kasi naholdup dati, nun bago pa lang ako dito. im from San Diego, California kasi eh." ang daldal pala ng babaeng ito.. pero okay lang atleast may kasama ako, namimiss ko na kasi sila mama.. agad. Mali ata ang desisyon ko na umalis.

"Alam mo ate.. may space pa ko sa bahay ko.. gusto mo dun ka muna magstay sakin?" ang tanong niya sakin. seryoso ba siya?

"ahh hindi okay lang, siguro naman mamaya kapag maliwanag na makakahanap ako ng work. ok lang, you don't need to worry." sagot ko sa kanya, nakita ko naman ang paglungkot na mukha niya.

"Ok lang naman sakin and besides gusto ko na magkaroon ng room mate. Palagi kasi akong iniiwan ng mga housemate ko."

iniiwan? bakit kaya? masama kaya ugali niya? malikot ang kamay? o baka may sayad to.

"Uy! hindi naman ako sobrang sama ate, hindi din ako klepto."

nakakabasa ata ng isip to..

"hindi naman, halata lang kasi sa mukha mo ate. he he "

napatungo na lang akong bigla. nahiya naman ako.

bigla na lang siyang umupo sa tabi ko at ikinagulat ko yun. may sayad nga ata to.

"wag ka ng magisip ng kung anu-ano dyan. Di ba ikaw na din ang nagsabi na delikado dito at madaming loko-loko. well, sinesave lang kita sa kanila."

napatingin lang ako dito.

"papupuntahin mo ko sa bahay mo eh hindi mo nga ako kilala.. Paano kung ako pala yun delikadong tao?" tinanong ko siya.. ewan ko na lang isasagot niya.

"Parang hindi naman. ang ganda mo naman para maging masamang tao. Sige na! drive ka na! tuturo ko na lang yung way." kinuha niya pa yung keys sa kamay ko at siya pa ang nagpasok nito sa keyhole.

"start na! kaya TARA na!!" sigaw niya.

confirmed. loka-loka nga.

-------------

Vote, Comment, fan muna bago update. :)simpleng hiling, pagbigyan na.

The Housemate's Bedmate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon