1

16 1 0
                                    

Hindi ako blogger. Pero at this point gusto kong isulat yung tungkol sa sarili ko.

21 years old na ako. Year 2016 ng maka-graduate ako sa kursong SIKOLOHIYA. Nakapagtapos ako sa UP...HSL, oh assuming masyado. Akala nyo UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES no? Graduate ako sa UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM LAGUNA, na kung tawagin ng mga Lagunense ay PERApetual.

Hindi naman kami mayaman. Sapat lang ang kinikita ng magulang ko sa pang-araw-araw. Katulad nga ng sinabi ko year 2016 ako grumaduate. Akala ko noon kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral may makukuha ka agad na work na related sa natapos mo. Madami akong inapplyan n company. Madaming beses din akong nadapa, as in kulang na lang ata ay mabangasan ang mukha ko dahil sa rejections.

Ang hirap kaya mareject aminin niyo. Kung sa love nga kapag nanligaw ang lalaki at nareject masakit na, what more pa kaya sa work na ma-reject ka ng ilang beses di ba? Wag na tayong maglokohan! Masakit talaga! MASAKIT!

Marami nagsasabi sa akin noong una na magtrabaho na lang daw ako sa Manila, Makati o Alabang. Mas malaki ang sahod doon. Mas maganda benefits ng mga company doon. Oo alam ko naman na malaki ang rate doon, makakapagexplore ka maeenjoy mo ang trabaho at kung saan saan ka pa makakarting. Unfortunately, ayaw nila nanay at tatay, kaya ayon hindi ko magawang lumuwas ng Maynila kahit gusto ko. Kaya hindi rin ako natutong pumunta ng Alabang, Makati at kung saan saan pang labas ng Laguna. Alam ko sasabihin niyo sa akin na, ano ba yan ang dali dali lang pumunta ng Alabang di ka marunong? Pag pasensyahan niyo na si ako, wala e, wala naman ako kasama na pumunya sa mga ganon. Aaminin ko tanging MOA lang alam ko puntahan dahil lang sa event ng school namin dati.

Naiintindihan ko naman kasi sila nanay at tatay, concern lang sila sa akin. Hindi daw ganon kadali ang buhay doon at tsaka marami naman kasing company na malapit dito sa amin, kaya bakit kailangan ko pa lumayo. At tsaka isa pa, ako kasi ang bunso at nag-iisa na lang na walang asawa sa aming magkakapatid. Naiintindihan ko naman ang gusto nila i-point out sa akin. Yun nga lang may disadvantages sa akin. Pero ok lang. Sooner or late matututunan ko din pumunta sa mga lugar outside Laguna.

Katulad ng sinabi ko, marami akong company na inapplyan after ng graduation namin. Nasubukan ko din mag-apply sa mga agency. Pero wala eh. Nga nga tau bes! Alam mo ba yon? Ibig sabihin nahulog ka kaso di ka sinalo ganern!

Nag-apply din ako sa isa sa mga ospital dito sa amin. Pasado na ako e, kaso problema ko hindi ako sa HR, kundi sa outpatient, outpatient staff ako. Ako ang taga-BP, taga record ng weight and height, nakapagpasa na ako ng requiremeng ko, kaso bigla akong umayaw. Bakit? Unang una hindi ako marunong mag-BP. Ang engot ko no? Hahaha. At pangalawa 2weeks na ako nag-aantay ng tawag nila kung kailan ako mag-start, wala pa din. Kaya ayon na nga mga bess, nagdecide ako na kunin na lang mga requirements ko at mag-back out na lang.

After ilang weeks ulit, tinulungan ako ng tatay ko sa paghahanap ng work. Kinausap niya yung isa sa mga sumasakay sa tricycle namin. At ayon nag-apply nga ako doon. Nakapasa din ako sa interview at exam, pero hindi ako nakapasa bilang HR, kundi bilang isang Secretary ng Sales & Marketing. May na-hired na aw kasi bilang HR Staff. Ang saklap no?

Dahil desperado na akong magkaroon ng trabaho, pinatulan ko na agad yung offer sa akin. Hindi naexplain maigi sa akin kung magkano ba ang magiging sweldo ko. Dahil bago pala lang ako dito aa totoong mundo o real world kung tawagin nila, medyo eengot engot ako pagdating sa mga benefits ng company, pagdating sa talagang swelduhan ng isang empleyado. Worth Php9,000.00 lang ang sinasahod ko sa isang buwan. Mataas pa ang sahod ng operator sa akin. Wala gaanong benefits akong nakukuha, except dun sa mga Government Mandatory Benefits like SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.

Diary ng Hopeless sa TrabahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon