2

10 1 0
                                        

First Job.


June 2016 ako nagstart na magwork bilang Secretary. Sa totoo lang mga tanders na yung kasama ko sa company na pinagtrabahuhan ko for 5 months.

Oo, tama kayo ng  pagkakabasa. 5 months lang ang itinagal ko doon sa Chinese Manufacturing Company na yon. Na-end of contract agad ako. Bakit? Dahil yung ibang tanders na kasama ko siniraan ako sa management. In other words, masyadong mapolitika sa company na pinasukan ko. Minsan may time na sasabihan ka ng tanga. Minsan mag-finger pointing un ibang tao sayo. Pagchichismisan ka. Uutusan ka na parang alila, na ultimo paglagay ng towel sa likod ikaw pa ang gagawa para sa kanila. Sasabihan ka na hindi ko daw sinasagot yung mga telephone calls, kahit pinipick up ko naman yung telephone calls.

Sabi nga ng iba, ako lang daw ang naging matiyaga sa mga matatandang dalaga na yon. Wala e, kailangan mo talagang magtiyaga at makisama sa kanila kahit mukhang kawawa ka na. Minsan iniisip ko na lang yung boss ko kaya hindi ako bumitaw agad sa trabaho kong yon.

Ang saklap nga nung nalaman ko na matatapos na yung contract ko, kasi naman November non, at magbe-birthday ako ng araw na yon. Sobra ang iyak ko nun malaman ko na mawawalan na ako ng trabaho ng oras na yon. Nasabi ko na lang sa sarili ko na hindi ito ang lugar para sa akin. Hindi ito ang puwesto na nakalaan sa akin. Siguro may isang magandang dahilan si God kaya ito nangyari.

Kahit pasakit at masasakit na salita ang nakuha ko mula sa company na yon, may isang bagay naman na ibinigay sa akin si God. Ayun ay noong nakilala ko yung isang tao na laging nandiyan para suportahan ako sa bawat desisyon ko. Ayun ay yung isang taong mahalaga sa akin at naging parte na ng buhay ko.

After November 2016. Two months akong natengga sa bahay. Nakakaiyak isipi na magpapasko wala pa rin akong trabaho. Wala akong maibigay na ham para sa pamilya ko noon. Wala akong maiambag na pang Noche Buena at Media Noche sa magulang ko.

Two months, akong nag-Job Hunting.
Two months, akong nareject sa mga inaapplyan ko.
Two months, akong umuuwing luhaan.
Two months, kong kinoconvince ang sarili ko na hindi pa ito ang right time para sa akin.
Two months, kong sinasabi sa sarili ko na marami pa jan.

Ang trabaho ay pwedeng ihalintulad sa pagmamahal. Kailangan mong matutong mag-antay at maging matiyaga makuha lang ang matamis nilang oo, oo pasado ka na sa interview. Pwede ka ng magsimula bukas.

Diary ng Hopeless sa TrabahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon