Second Job.
After two months of rejections, failures, at pagiging tengga (tambay) sa bahay. Finally, nakuha ko rin ang trabahong gusto ko. February 2017 ng magsimula ako bilang isang HR Clerk sa isang Filipino SemiConductor Company.
Noong una, oo masaya. May natututunan ako na related sa tinapos ko. May bago akong nakikilala, at nakakasama. Habang tumatagal paulit ulit lang ang ginagawa ko. Bigay ng exam. Check ng exam. Encode. Bigay ng certification. Filing. Bigay ng exam. Check ng exam. Encode. Bigay ng certification. Filing. Bigay ng exam. Check ng exam. Encode. Bigay ng certification. Filing. Yan ang routine ko sa araw-araw na papasok ako sa kumpanyang yon. Mababago lang yan kapag pumupunta ko sa Recruitment Section. Minsan naiisip ko wala na bang growth ang career ko dito? Lagi na lang bang ganon???
But I said to myself na dapat matuto akong magtiyaga. Matuto akong makisama pa. Kaya kahit kating kati na ang mga paa ko na maglakbay patungo sa malayo, tiniis ko pa din dahil alam kong kailangan ko pang mag-gain ng maraming experience.
At habang tumatagal, dumadami yung tanong sa isipan ko. Tulad ng bakit parang mas focus sila sa mga Engineers? Bakit sila na lang lagi yung may maraming activities, seminars, and trainings? How about us? How about those people who graduated with a degree in Accountancy, Psychology, Tourism, Business Administration etc.? Those people who served the company? Hindi ba din namin deserve ang magkaroon ng ganon? At kailangan mga graduate lang ng Engineering courses?
Wala akong problema sa mga Engineering, pero bakit ganon??? Bakit sila na lang lagi ang may ganoong event sa company namin? Sorry to say, pero medyo unfair na kasi ang dating para sa akin.
There are times also na may maeencounter kang mga tao na sobrang bossy. Na akala mo boss mo pero staff lang naman yun nga lang pinaganda lang yung titulo nila. May mga taong kala mo busy pero iba naman pala ang ginagawa. May mga Managers naman na akala mo busy sa trabaho nila bilang Managers yun pala nanguya lang sa kinauupuan nila, o kaya naman ay uupo lang at maglalaro. Meron din naman na naupo lang talaga at nag-aantay ng sahod.
Mahigit isang taon ako sa Company na yon. April 2018 nag-decide akong umalis. Akala ko kasi ready na ko for another opportunity. Dumating sa point na nagpasa ko ng resignation letter ko, pero ang kinahantungan hindi ko naman pinasukan yung isang employer ko dahil natakot ako. At isa pang dahilan hindi ako basta nakaalis sa recent employer ko.
Sa company na ito natuto akong makisama sa mga taong pinakikisamahan ako ng ayos, magtiyaga sa ugali ng iba, at makipagplastikan. At pinakamahalaga, ang magtiyaga sa sahod na hindi umuusad sa loob ng isang taon at dalawang buwan.
BINABASA MO ANG
Diary ng Hopeless sa Trabaho
RandomTrabaho? Napakasarap ng may trabaho, marami kang makikilala at matututunan. Ngunit paano kung maging mailap to sayo? Samahan niyo ako sa adventure ng buhay ko. Kung paano ko mahahanap ang the one ko, este ng trabaho pala. Please I need a job!
