CHAPTER IV

502 19 2
                                    


THEA'S POV

  Nang makarating kami sa school at maipark nya ang sasakyan nya ay lalabas na sana ako nang bigla nya akong higitin at—HALIKAN?!

Sa gulat ko ay agad ko syang naitulak.

"Ano bang ginagawa mo?!" Nababaliw na ba sya?!!! Waaaahhh tangena!!! Hindi na nga ako makaharap sa kanya mula pa kanina dahil sa sobrang pamumula tapos ngayon ay hahalikan nya pa ako?! Potaaaanesssss ano sa tingin nya ang ginagawa nya?!!!

"What? It's normal right? I'm your fiancée and you're my fiancee." Binigyan ko naman sya ng nanggigigil na tingin! Ayaw kong ipahalata ang kilig kaya naman galit at pikon nanamang mukha ang ipinapakita ko.

"We're just Fiancee of each other. You're not my boyfriend and I'm not your girlfriend. At para sakin ay Hindi kasama sa fixed marriage natin ang paghalik mo sakin ngayon." Inirapan ko muna sya bago tuluyang lumabas. Tumakbo ako papuntang cr at doon nagtititili.

"Kyaaaaahhhhh!!! Potaaaaaa !!! Buset na Ken yun!!!! Paaatayin ako sa kilig hayp!!!!!!" Tiningnan ko pa ang itsura ko sa salamin, tangna pulang pula ang mukha ko!!!!

Kinalma ko ang sarili ko at pinahupa ang pamumula ng pisngi ko. Jusme Ken Lim! Pag ako talaga ang nangharass sayo! Wag ka talagang papalag punyeta kaaaaa!!!! Kinikilig pa rin ako hayp!!!

Tiningnan ko ang relos ko at nakitang malapit na din mag-last subject. At naalala kong MATH ang last subject namin!!! Waaaahhhh!!! Paano ko haharapin yun?! Tsk! Paniguradong nakangisi nanaman ang kupal na yun dahil sa ginawa nya kanina! Tae sya!!! Inayos ko ang itsura ko at dumiretso na ng classroom. Naabutan ko namang tahimik ang mga kaklase ko at si Ken naman ay nakatayo sa harapan at may isinusulat.

"I-im sorry I'm late Mr.K—" natigilan ako nang humarap sya at tiningnan ako ng makahulugan. Wag mo sabihing yung sa babe thing ang tinitingin tingin nya?! "I'm sorry I'm late." Dumiretso ako sa upuan ko sa third row last chair sa kanan katabi ng bintana kung saan kita ang hallway.

Nang makaupo ako ay nagtaka ako ng makitang nakatingin sakin lahat ng mga kaklase ko. Napatingin naman ako sa harapan at nakatingin din sakin si Ken. Ano nanamang problema nito?

"Stand up." Nagsalubong naman ang kilay ko.

"What?" Tanong ko.

"I said stand up" malditong ulit nito. Tumayo naman ako at tumingin sa kanya. Ano bang problema nito at pinatayo pa ko?

"Come here." Malamig na utos nito. Nag umpisa namang magbulungan ang mga kaklase ko.

"Bat ang sungit ni Mr.Ken Kay thea?"

"Baka lq?"

"Bat parang ang sama ng tingin ni sir Kay thea?"

"Lagi namang ganyan si sir a?"

"Anong kayang dahilan at bat tinawag sya ni sir?"

"Baka may ginawa sya?"


Nyeta! -,- pag-usapan daw ba ako diba?! Tsk. Nang makapunta ko sa harap ay tinitigan ko si Ken. Hindi pa rin sya nagsasalita. Parang gagu tinawag tawag ako tas wala naman palang sasabihin -,-

"What is it?" Sinasadya kong wag na syang tawaging sir/Mr.Ken o Mr.Lim lalong lalo na ng BABE!

"Try to solve that" sabay turo nya sa mga problems na nasa board. Anong trip nito?! E Hindi pa nga nya naituturo to e! Sakalin ko kaya to?!

Mr. Ken Is My Fiancé? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon