FINALE

512 20 0
                                    

THE FINALE

(A/N; This will be the last chapter of Mr. Ken Is My Fiancee. Thank you for reading :)

-----------------------------------------

Thea's POV

"Ma. Tama na nga. Masisira make-up ko sayo nito eeeee" pinunasan ko naman ng padampi dampi ang mga luha ko. Nandito kami ngayon sa van. Si mama iyak ng iyak walanjo !

"Ma. Tumahan ka na nga. Mamaya ka na umiyak pag nasa kamay na ng iba ang ating prinsesa" tatawa tawang biro ni kuya.

"Anak.. s-sorry... alam ko n-namang ako ang m-may kasalanan k-kaya ka m-mawawala sa amin e... "

"Ma. No need to say sorry. Dapat pa nga akong magpasalamat kasi kung di dahil sa ginawa nyo hindi namin malalaman ang nararamdaman ng isa't-isa. At hindi kami mapupunta dito ngayon kung di dahil sa inyo." Nakangiti kong sabi.

"Ang drama." Bulong ni kuya.

"Anak.. hindi ka na sa amin titira..." mangiyak ngiyak pa din si mama.

"Ma. Dont worry. Wala pa naman sa plano namin na mag anak ni Ken bwhhahahHh-- Aray!" Binatukan lang naman ako ni kuya.

"Talagang dapat lang na wala sa plano ang pag aanak nyo! Siguraduhin mo munang tapos ka na sa pag aaral Alex!"

"Opo!"

"Ma. Hintayin ko na lang kayo sa loob. Alex pasok na ko" hinalikan muna kami ni kuya sa pisngi bago tuluyang lumabas ng van at pumasok sa simbahan.

Hindi ko maintindihan. Sobra lang ba talaga akong naeexcite? Sobra kasing bilis ng tibok ng puso ko. As in.

"Ma."

" Oh?"

"Sobrang bilis ng tibok ng puso ko."

"Normal lang yan anak. Excited ka kasi tsaka yan talaga ang mararamdaman mo sa oras na ito. Lalo pa't ikakasal ka na."

"Pero ma.. parang iba. Normal ba ito? Parang luluwa na yung puso ko e. Sobrang kabog as in parang kinakabahan na ata ako."

"Normal yan anak. Magkasama talaga yang dalawa na yan. Excited at kabado ka. Ganyan din ang naramdaman ko noong ako ang nasa kalagayan mo." May bitterness sa boses ni mama. Siguro ay dahil sa naging katapusan ng relasyon nila ni papa.

Bakit ganito??? Parang iba ata ang nararamdaman ko sa sinasabi ni mama? Kahit naman siguro kabado ako ay mangingibabaw ang saya at excitement sakin diba? E bakit parang mas kabado pa ako? Mas lamang yung kaba ko kesa sa excitement.

"Ma. Bat ang tagal?" Halos mag iisang oras na kami dito sa van a?

"Baka may ginagawa pa sa loob anak."

"E bakit ang tagal? Kanina pa dapat nagsimula ang ceremony a?"

"Baka may inaantay. Baka si father. Or ilan sa bisita. Hindi natin alamkung sino-sino na ang nasa loob anak. Tayo ang pinakahuling dumating." Napanguso naman ako.

Namimiss ko na si Ken. Hindi na ako makapaghintay na makita at makasama sya. Noog biyernes pa ang huli naming pagkikita. Lunes na ngayon at mula kaninang paggising ko ay wala pa akong natatanggap na text o missed call mula sa kanya...

------------------

Akala ko hindi mangyayari sa akin ito. Akala ko sa palabas lang nangyayari to. Hindi ko naisip na maaari palang dumaan ako sa ganito...

Sabi nila ito ang pinakamasayang araw.. pero bakit parang ito ang isa sa pinakamalungkot para sa akin?

Sabi nila ito ang unforgettable na pangyayari sa buhay ng lahat ng tao... totoo nga dahil hindi ko makakalimutan ito.

Sabi nila ito ang pangyayaring babaunin namin sa hinaharap... pero tila naging isang panaginip na lamang ito....

Ang masaya sanang seremonya ay napunta sa di inaasahang pangyayari...

Bakit ???

Bakit ken???

Bakit kailangan mo pang pumunta sa kung saan-saan ng nakamotor ? Imbis na sana ay dumiretso ka sa kasal natin ay may inatupag ka pa..

Ken... bakit hindi ka nalang dumirerso ng simbahan??? Sana ay di nangyari ang di inaasahn sa araw ng ating kasal...

Ngayon.... Iba na ata ang nararamdaman mo ... Kasabay ng pagkawala ng puso mo ay marahil pagkawala rin nang nararamdaman mo para sa akin???

Maibabalik pa ba natin ang dati mong nararamdaman sa akin? Bakit tila kakilala na lamang ako para sayo???

Ngunit ramdam ko na kilalang kilala mo pa ako at alam kong mahal mo ako... pero mahal mo pa nga ba ako??? Wala na ang puso mo na pinatibok ko... ano na ang mangyayari sa atin ngayon Ken???

---------------

"Mrs. Lim? May nobya ba si Mr. Ken? A special someone? If meron magiging mahirap para sa kanya ito... wala na ang puso na tumitibok para sa dalagang kanyang minamahal kung meron man. But i hope na maibalik iyon... iba na ang puso ni ken ngayon iba na rin ang nararamdaman nya di gaya noon sa dati nyang puso... lahat kayo ay pare-parehong mahihirapan pero higit iyong nobya nya... pero atleadt we made it. Naisalba natin ang buhay nya."

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa akin ang narinigko mula sa doktor... Wala na nga ba ? Wala na nga ba ang espesyal mong nararamdaman para sa akin ken??? Kelan ko ulit mapapatibok ang puso mo??? Kelan mo ulit mararamdaman na mahal mo ako????

Mr. Ken Is My Fiancé? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon