THEA'S POV
Matapos ang naging away namin ni ken ay umiwas na muna ako. Masyado akong nabigla sa mga ginawa nya. Maayos na din naman ang braso ko. Wala na yung pasa. Hindi yun nakaligtas Kay kuya noong makita nya kaya tinanong nya ako kung kanino o sino ang Kay gawa nun dahil bakat talaga ang kamay ni ken sa braso ko. Sinabi ko nalang na naghigitan kami ni Daisy at napalakas ang pagkakakapit nya sakin kaya namasa ng di sadya.
Bukas na ang kaarawan ko. Miyerkules ngayon at papasok nanaman ako ng sobrang aga para di ako maabutan ni Ken. Mag-iisang linggo na akong umiiwas sa kanya. Maaga akong umaalis para di nya ako maabutan dito sa bahay. At kung saan saan naman pumupunta pag nasa school na. Hindi ako pedeng umistambay sa iisang lugar dahil paniguradong mahahanap nya ko. Nireaady ko na ang uniform ko at Naligo tsaka nagbihis.
Bumaba ako at Hindi inaasahan kung sino ang naghihintay sa akin sa sala. Nakatingin ito ng deretso Hindi ko mawari kung galit ito o ano. Hindi ako makahakbang dahil nakatitig sya sakin.
Ano bang ginagawa nyan DITO?
"So talagang ipagpapatuloy mo ang pagpasok ng maaga para lang makaiwas sakin?" Panimula nya na nakatitig pa rin sakin. Nyeta bat kinakabahan ako?
Nakailang lunok pa muna ako bago nakasagot sa kanya. "What are you saying?" Pagtataray ko dito. "We have a group project so I go to my classmate's pad as early as possible so we can finish it faster." Deretsyong sagot ko.
Sinubukan kong humakbang paiwas sa kanya pero bigo ako ng kornerin nya ako gamit ang kanang kamay na iniharang sa kaliwang bahagi ko, nakalapat ito sa dingding na sinasandalan ko na ngayon.
"You're not a good liar." Tumingin sya sa mata ko na Punong-puno ng Hindi ko malamang emosyon.
Iniharang nya rin ang kaliwang kamay sa kanang bahagi ko na kalebel ng pisngi ko. Ngayon ay korner na korner na ako. Inilapit nya ang muka nya kaya naman napaatras ako ngunit wala na nga pala akong maaatrasan kaya naman naisandal ko ang ulo ko sa dingding.
"You making me crazy Thea. You dont have to avoid me. We can talk about what happen last Saturday. Just don't avoid me." Seryosong sabi pa nito habang nakangin pa din sa mga mata ko. Napatikhim naman ako. A-ano bang sinasabi nya?
"I don't know what are you sayin—"
"I'm saying that I hate what are you doin' can you just please stay beside me Thea? I want you to allow me to say sorry for what I've done to you." Napanganga naman ako sa pinagsasasabi nya. Biglang nagwala ang puso ko. Mygod!!! Ano itooooo?
"I-im sorry? What are you trying to say—"
"I love you." Nanlaki naman ang mga mata sa pagkagulat sa kung anong sinabi nya."That's why I ask mom to arrange us. Noong malaman kong nanghihingi ng tulong ang mama mo ay doon ko naisip na gawin itong paraan para mapasakin ka. Bukal naman talaga sa puso namin na tulungan kayo kaya noong hiningi ko Kay Mommy ang bagay na ito ay kinuwestyon din nila ako. Wala akong nagawa kundi ang umamin. The way I look at you whenever I'm in your room, whenever I saw your eye everytime I flirt to your classmates, whenever you arguing with me, whenever you makin' me feel that I'm an asshole and bastard. I like for the very first time we met. And I'm not expected to feel this right now. I thought the like I'm sayin' is just an infatuation. And I'm not expecting to fell so deep in you. Thea... Now I can say that... I love you..."
H-hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sasabog ako sa sobrang kilig na nararamdaman!! Pinakiramdaman ko muna kung totoo ba ang mga nangyayari. Kung Hindi ba ako nananaginip. Pero totoo. Hindi ito panaginip. Gaaaaaahhhhhh nyeta ka ken!!!!!
"D-did you j-just s-say you l-love me??" Mautal-utal ko pang tanong.
"Yes. I love you Thea." Inilapit nya ulit ang muka nya sa muka ko kaya napaatras nanaman ang ulo ko kahit wala na akong maatrasan. Napapikit ako ng halikan nya ako..sa noo. "Let's eat." Aya nya at napamulat ako nang hilain nya ako papuntang kusina. At doon nakahanda ang agahan namin. Ready huh? Planado ata hahahaha.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero nangingibabaw ang saya at kilig. Nakakahiyang tumili kaya palihim akong ngumingiti para manlang mailabas ang nararamdaman ko dahil kung Hindi ko ito mailabas ay baka sumabog ako ng wala sa oras. Pero di ako naging ligtas. Dahil pagtingin ko Kay Ken ay nakangiti ito ng nakakaloko.
"You're so red" nakangising pang-aasar nito. Agad ako napahawak sa pisngi ko at bigla ay kumuha ng kutsara at inihampas sa braso nito.
"Shattap." Babalik na sana ako sa kinauupuan ko kanina nang hilain nya ako at niyakap paharap sa kanya.
"Wag ka nang sasama ulit sa Ian na yun ha. I hate seeing you with other guy. Your mine. And what's mine is mine Thea. And I don't share." Bulong pa nito habang nasa tainga ko ang bibig nya. Nakabaon naman ang mukha ko sa dibdib nya kaya napaangat ako para makasalubong ang tingin nya.
"Pano kung sabihin kong Hindi naman kita gusto?"
Hindi ko alam kung bat bigla kong naitanong iyon. Pero natawa ako nang makita ang reaksyon nya. Nanlaki ang mata nya bago kumunot ang noo tsaka biglang tumawa ng mahina. Kelan ko ba ulit nakita ang tawa nyang yun? Napakaganda -,-
"I don't believe you. Dahil nang makita ko ang pamumula ng pagmumuka mo ay para mo na ring sinabing gusto mo din ako." Mayabang na sagot nito. Grabe -,- hanep.
"Huh. Mala-Deib Lohr ka rin naman pala sa yabang?" Nakangising asar ko.
"Who's deib? Lalaki mo ba yun!?" Nakakunot noong tanong nito.
Napahagalpak naman ako sa tawa. Hindi sya nagbabasa ng Wattpad. As I expected. He's a guy. Hahahahaha!!!
"Hmm. Gwapo yun. At may crush ako sa kanya" natatawa ko pang sagot. Nanlaki ang mata nya at SUMAMA ang tingin sa akin. Lalo akong nataaa. Maiyak-iyak ako kakatawa at lalong pang sumama ang tingin nya sakin
"Ok." Malamig na sabi nito. "Mag-almusal ka na at aalis na tayo." Nagulat ako ng bitawan ako nito at talikuran. Hinabol ko naman sya habang tatawa-tawang hinila ang braso nya.
"He's a WATTPAD character MR.KEN" Natatawa kong sagot bago sya yakapin.
"Tsk. Inlove ka sa taong wala sa mundong ginagalawan mo? You're insane" tinawanan ko lang sya." And again. It's not MR.KEN -,- it's BABE.BABE.BABE.BABE" tumawa nanaman ako. POTA hahahha !!!
"Parehas pa talaga tayo ng endearment sa kanila ni taguro?" Natatawa kong tanong. Kumunot ulit ang noo nya. "Never mind, BABE." pagdidiin ko sa huling sinabi ko.
Kakatuwa ang ibang saya na nararamdaman ko ngayon. Para bang may maganda akong ginawa at nabigyan ako ng premyo. Hindi ko akalaing may nararamdaman din sakin si ken... At ang isiping yun sobra talagang nakakapagpakilig sakin .
BINABASA MO ANG
Mr. Ken Is My Fiancé?
Ficção AdolescenteIsang dalagang walang kaalam-alam kung sino ang kanyang mapapang-asawa. Nang dahil sa kahirapan at kakulangan sa pera ay pumayag ang kanyang ina na maipakasal sa isang binatang anak ng mag-asawang kanyang hiningian ng tulong. At nang malamang ang k...