Chapter 2

10 0 0
                                    

"KAIBIGAN"

Nung una tayong nagkita, nakahiyaan
Ngiti dito, ngiti doon,
Nung una tayong nagkakilala, napakasaya
Chika dito, chika doon.

Dumating ang araw na tayo'y naging matalik na magkaibigan
Walang araw na 'di tayo nagtatawan,
Kahit minsan pinapagalitan tayo ni Ma'am
Tayo'y yuyuko at pangiti-ngiti nalang.

Dumating ang araw na tayo'y parang magkakapatid
Ang diskarte niyo, diskarte ko din,
Ang paalam niyo kay Tita, paalam ko din kay Mama
Pagpinapagalitan ang isa todo takip tayo buong barkada.

Ang tanong ko lang,
Naalala niyo pa ba mahal kong kaibigan?
Ang mga araw na minsan nating pinagsamahan
Yung mga araw na tayo'y masaya dahil marami tayong napagtripan
Yung mga araw na tayo'y malungkot dahil sa ating mga kadramahan
Siguro unti-unti niyo ng kinakalimutan
Okay lang nasasanay na din ako minsan.

Ngayon tayo'y hanggang alaala na lamang
Lahat ng ating pangarap naging panaginip na lang,
Kung ngayon masaya na kayo sa mga buhay niyo
Kaibigan, nandito ako laging susuporta sa inyo.

Stanzas Of The MindWhere stories live. Discover now