"Lintik na Pag-ibig"
by mareyaahhTayo'y matalik na magkaibigan
Pero bakit iba ang aking nararamdaman?
Bawat kilos mo parang may kahulugan
Ano ba talaga ako sayo kaibigan?Araw-araw ang isip ko'y nalilito
Dahil ba 'to sa mga ipinapakita mo?
Ano ba talaga ang totoo?
Gusto mo ba ako o trip mo lang to?Oo may gusto nga ako sayo
Ngayong nalaman mo na ang totoo,
Bakit iba na ang pakikitungo mo?
Gusto mo rin ba ako?Ang daming tanong ng isip ko
Di naman pala kagaya ko ang gusto mo,
Hiling ko lang wag mo naman akong iwasang ganito
Dahil lang sa lintik na pag-ibig na nalaman mo.Oo nakikita ko masaya nga kayo
Pero mas masaya sana kung naging tayo,
Kaso sa buhay mo alam ko na ang papel ko
Na kahit baliktarin man ang mundo hanggang KAIBIGAN lang talaga TAYO.
YOU ARE READING
Stanzas Of The Mind
Poetry"Stanzas of the Mind" is a contemplative journey through the landscapes of thought and emotion. Each poem serves as a stanza in the grand narrative of the human experience, exploring the depths of introspection and the heights of imagination. Enjoy...