Chapter 6

8 0 0
                                    

“Lintik na Pag-ibig: Ang Puso Kong Litong-Lito”
by mareyaahh

Tagu-taguan sa malinawag na buwan
Akala ko ba matalik tayong magkaibigan
Pero bakit iba na itong aking naramdaman
'Di ko alam kong ito'y pag-ibig o paghanga lamang

Ang sakit lang isipin na ikay may kasintahan
At ako'y isa lamang na matalik na kaibigan
Araw-araw gusto kitang batukan
Para malaman mo itong sakit na aking naramdaman

Di ko alam kung bakit ang init ng ulo ko sayo
Dahil ba ito sa nararamdaman kong litong-lito
O kaya grabe na ang pag-ibig ko para sayo
Alam ko naman ang totoo na hanggang kaibigan lang tayo

Sinubukan kong lumayo sayo
Nagbabakasaling mawala ang pag-ibig na 'to
Pero bakit ngayon gumagrabe na 'to
Ewan ko ba talaga, ang tanga-tanga ko na sayo

Tinanong ko sarili ko
Bakit ba ako nagkagusto sayo?
Hindi nga tayo magkasundo
Kaya nga tinatago ko na lamang ang lintik na pag-ibig na  'to.

Stanzas Of The MindWhere stories live. Discover now