Dear You,

15 0 0
                                    

Ikaw. Oo ikaw sa susunod na mamahalin nya, alagaan mo yan! Oo sobrang sungit nyan pero pag nakaya mo ng ihandle kinasungit nya jusq sarap nyang mahalin. Kahit minsan sobrang naiinis kana sa kanya wag na wag mo sasabayan. Lambingin mo. Minsan kulang lang sya sa lambing pag nagsusungit. Ipaalala mo lagi sa kanya na kumain na. Di ko alam kung tamad lang ba yan o ano. Dramahan mo. Sabihin mo na di ka kakain kung di sya kakain para mapilitan syang kumain. Please lang wag na wag mo sya sasabayan sa pagpupuyat. Bawal yan magpuyat. Please. Oo magusap na kayo buong maghapon pero wag kayong magpupuyat. Ipakwento mo araw nya o kaya si Ethan. Ipakita mong interesado ka sakanya. Kantahan mo sya lagi. Bahain mo ng VM messenger o viber nya. Gustung gusto nya nakakantahan kahit nursery rhymes pa yan. Kantahin mo yung fall for you fave nya yun. Pagluto mo sya ng afritada pinaka fave nyang pagkain yun. Favorite color nyan black at gray. Mag movie marathon kayo. Minions o despicable me. Pag nalaman mong fave nya yan wag na wag mong tatawanan. Minsan may pagkaisip bata yan pero cute naman. Lagi mo syang patawanin o pangitiin. Kay sarap makitang nakangiti yan. Pag galit yan sabihin mo lang gaano mo sya kamahal. Wag kang magseselos ng basta basta. Dapat may dahilan. Pag may ginagawa ka sabihin mo agad. Ayaw nyang naghihintay sya. Sa una tahimik lang yan pero dadaldal din pag tumagal. Pag may sakit sya pwede ba alagaan mo sya? Gawin mo yung mga bagay na hindi ko nagawa. Pag may lagnat sya, check mo every 6 hrs temperature nya. Tapos painumin mo ng paracetamol. Icheck mo sya lagi kasi ayoko ng maulit yung nangyari noon. Please alagaan mo sya. Wag kang magsasawang alagaan sya. Isupport mo sya lagi sa mga ginagawa nya kahit corny yan sa paningin mo. Pag sinabi nyang gwapo sya, isupport mo lang. Gwapo naman talaga yan eh. Ihug mo sya ng mahigpit para sakin. Wag na wag mong pababayaan yung lalakeng pinangarap kong makasama hanggang pagtanda. Hawakan mo ng mahigpit yung kamay nya tapos ilagay mo sa tapat ng puso mo sabay sabi "mahal na mahal kita". Ah pala pag kinikilig yan, magsusungit yan. Pero wag kang magagalit ganyan talaga sya. Wag kang demanding sa oras at attention nya. Mahalin mo sya. Mahalin mo sya higit pa sa binigay ko. Alam kong di ko na sya mababawi pero nakikiusap akong mahalin mo yan. Wag na wag mo na syang bibitawan. Masarap magmahal si Kean kahit masungit. Pakisabi nalang din na mahal na mahal ko sya. Invite nyo ko sa wedding nyo ha? See you!

-Aya/Audrey

He-Who-Must-Not-Be-NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon