Dear You,

23 0 0
                                    

10 months. Today was the exactly 10 months of our relationship. And it was the day, the day where it all ends. September 22, 2016. Tagal na din pala simula nung una kong sinulat yung "suicide note" ko. A letter supposed to be given to you the day I gave up. Pero ngayon di na suicide letter. Goodbye letter. My first and and also be the last letter I'll write for you. Thank you. Thank you for making me strong. Kung hindi dahil sayo di ako magiging matatag. Madami akong natutunan sayo and I was very thankful for that. Sorry kasi I become the person whom I promised I'll never be. Sinaktan kita. Hindi lang isang beses kundi paulit ulit. Sinasaktan kita ng hindi ko nalalaman. I was very insensitive. Sorry. Paulit ulit akong nagsabi na hindi kita sasaktan pero heto ako ngayon sinaktan ka. You gave up. I can't blame you. Sino bang hindi magsasawa sa ugali ko. You've done your part for understanding me. You've done your part. Masakit kasi it all ends tonight. Sabi mo nga. Ayaw mo na give up ka na. Hindi na ako aasa pa kasi sabi mo nga wala na akong babalikan pa. Gaya nga ng sinasabi ko isa nanaman tayong "Pinagtagpo ng tadhana pero hindi itinakdang magsama". Maybe in some other time we'll meet again. Not as friends. Not as lovers but as strangers with memories. I wish after I write this mawala na lahat ng sakit. Sana pagkatapos mo maiiyak lahat kasama nun yung sakit. Sana pagkatapos ko mainom lahat ng laman ng alak kasama malunod na rin yung nararamdaman ko sayo. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang burahin at tanggalin lahat ng mga bagay na nagpapaalala sakin kung gaano mo ko kamahal. Hindi ko pa kaya pero balang araw. Balang araw makakaya ko na din. Makakaya ko na ulit buksan ang bagay na nagpapaalala sayo sakin. Makakaya na kitang makita na walang nararamdaman na sakit. Sana maging masaya ka. Yun lang naman hangad ko. Ang magingat ka lagi. Pasensya na kung pinaramdam ko sayo na balewala ka. Na ni minsan hindi ako nagsabi ng nararamdaman ko sayo. Ng mga problema ko. Pasensya na kung wala kang kaalam alam sa buhay ko. Nahihiya kasi ako sayo. Pero ngayon sasabihin ko na tutal hindi mo din naman mababasa to. Hindi na ata ako makakareview. Masakit pero ays lang sabi ko naman sayo diba? Lahat ng bagay may dahilan. Yung sinasabi kong tatanga tanga ako? Hindi ko dinadown yung sarili ko. Yun lang laging sinasabi sakin. Sinisisi sakin. Na parang wala pa akong nagawang tama sa buhay ko. Na parang kasalanan ko lahat. Minsan naiisip kong gumive up na sa buhay pero ikaw yung dahilan para maging matatag kasi may pangarap tayo. Ngayon? Hindi ko na alam. Pasensya na mahal. Sana lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Lahat ng simasabi ko sayo totoo. Minahal kita higit pa sa pagmamahal ko sakanila. Akala ko tayo na. Na wala ng makakapigil satin. Na road to forever na kaso wala eh. Kegaga ko kasi. Salamat sa lahat. Paalam na mahal.

-Aya

He-Who-Must-Not-Be-NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon