Chapter 2: Because of Coke

207 27 6
  • Dedicated kay Shiela Mesana
                                    

Author's Note: Si Gramen  po yung nasa Pic. --->

"Gisiinngg!! Uyy! Kiersten, gumising ka na dyan." pilit akong ginigising sa pagalog alog sa may balikat ko.

Kainis naman to! sarap sarap ng tulog ko tapos gigisingin lang ako? di ba nya alam na masamang ginagalit ang bagong gising? masasapak ko na to!

"Ano ba Blessie! Potek naman. Umalis ka nga dito, natutulog pa ako eh" tinakpan ko ng unan yung muka ko tapos pilit na pinapaalis si Blessie.

"Gumising ka na dyan at sasamahan mo ako!" naramdaman ko nalang na tumayo sya sa kinauupuan nya sa kama kanina "Samahan mo ko mag groccery!" sabi nya tapos biglang kinuha nya yung unan na nakatakip sa muka ko kaya naman agad akong nasilaw sa mga ilaw na nakatapat sa mga mata ko at pilit kong dinilat yung mata ko.

d-___-b

do___-b

d-____ob

do____ob

"Dahil lang dyan ginising mo ako? Naman Blessie! Pwede naman ikaw nalang magisa.. bakit kailangan kasama pa ako?" inunat ko yung katawan ko at agad na tumayo upang magsuklay.

"Lilibre kita ng pagkain? tapos Chocolate Cake at Ice cream?? gusto mo yon diba??" agad na kuminang ang mata ko sa sinabi nya at feeling ko babagsak yung laway ko sa narinig ko. "Okay lang naman sakin kung ayaw mo! di na kita pipilitin.. bye!" bubuksan na sana nya yung pinto pero agad ko syang hinabol at hinawakan ko yung braso nya upang mapigilan sya at agad nya akong nilingon at nginitian ko sya ng napakalaki.

d^______^b

"Saan ka pupunta? sasamahan pa kita diba? umupo kana dyan at hintayin mo akong maligo.. 5minutes lang.." hinawakan ko sya sa kabilang braso nya sa likod habang tinutulak ko sya paupo sa may kama ko. "Wag mo kalimutan yung pagkain ko ha?" I said at natawa naman sya sakin.

"Hahahaha.. bsta talaga pagkain wala kang paawat!" natatawang sabi nya at hinampas ko naman sya sa may braso at agad na dumiretso sa banyo.

Operation: To be Mr. Famous' Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon