Author's Note: Si Angel Divine Henares ho yung nasa Pic. lalabas po sya sa mga next chapters :))
Nandito kami ngayon sa BonAppetéa sa Parañaque.. Kagagaling lang kasi namin sa house nila Blessie kaya naisipan namin dumiretso dito.
"Ano sayo?" tanong sakin ni Blessie.
"Nirvana nalang" sabi ko at naupo na ako dun sa table namin.
"Two Nirvana, please!" narinig kong sabi nya dun sa Cashier at after 1minute binigay na yung order namin at umupo na sya sa pwesto namin.
"Oh" agad ko naman kinuha yung Niravana na inabot nya sakin.
"Bless.. samahan mo ako mamaya sa Mall ha? Bibili kasi ako ng damit para bukas dun sa gtg." nakangiting sabi ko and she nodded.
Bukas na kasi yung get together with Gramen. Syempre excited na ako kaya kailangan kong bumili ng mga bagong damit at kailangan ko rin makapag make over.
After namin matapos inumin yung Nirvana namin dumiretso na kami agad sa SM Bicutan para mamili ng gagamitin ko bukas.
"Ito?? bagay kaya? o itong isa?" namimili kasi ako ngayon ng susuotin ko bukas.. pinapapili ko kasi ngayon si Bless kung alin ang mas bagay sakin na damit.
"Hmm.. ito nalang isa. Mas bagay tong black kesa dyan sa white." turo nya dun sa isang hawak ko at nilapag ko na yung isang damit na hindi napili.
"High waisted short nalang ang ipapartner ko dito tutal bagay naman eh.." matapos kong mamili.. dumiretso kami dun sa mga sandals.
"Ito Kiers.. bagay sa outfit mo!" sumangayon naman ako sa napili nya at pumunta na kami sa cashier upang mabayaran.
"May advantage card, ma'am?" sabi sakin nung nasa cashier.
"Wala!"
![](https://img.wattpad.com/cover/18879367-288-k822391.jpg)
BINABASA MO ANG
Operation: To be Mr. Famous' Girlfriend (ON GOING)
Novela JuvenilSi Kiersten ay isang ordinaryong babae na nagkaroon ng Crush na isang Famous sa Social Networking Sites na si Gramen. Lahat ng Profile ni Gramen sa SNS ay iniiStalk nya at tuwing may Get Together ay lagi syang kasama at Updated sya sa bawat posts ng...