Chapter 10: Where's the L and R?

114 19 4
                                    

Parang kahapon lang ng umaga Single ako yung tipong hanggang stalk lang ako kay Cady Baby ko then biglang instant Boom Girlfriend na ako.. Minsan pala ung pag iimagine mo may pakinabang ^_^

Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko kasi ngayon daw yung alis namin ni Gramen.

Ano naman kaya ang balak nya? sabi ko sa utak ko habang nakangiti. Di ko kasi aakalain na lalabas kami ni Gramen na kaming dalawa lang. Hihihi :3 Bubuksan ko na sana yung Laptop ko para icheck yung facebook and Twitter ko pero biglang nag ring yung cellphone ko..

"Ehh! unknown number?" sinagot ko yung tawag kasi nagtataka ako kung sino yun.. konti lang naman kasi nakakaalam ng num. ko

"Hoy Babae!" boses lalaki. Sino naman kaya to?

"Errh, Who's this? Hindi po babae pangalan ko kundi Kiersten!" Wrong number yata sya sa pagtawag.. Di naman babae pangalan ko eh. tsk tsk!

"Hoy Babae! Ano ba pinagsasabi mo ha? Nanaginip ka ba ha?" mukang galit yung tono sa pagkasabi nya.. bigla naman kumunot ung noo ko.. ang kulit naman nito sabing hindi babae pangalan ko eh.. Teka! sabi nya nanaginip lang ako?..

"Ayy! Panaginip lang ba to? hehehe.. sge, gigising na ako ha!" sabi ko sa kanya at rinig ko naman sya napabuntong hininga.

"HOY BABAE! KANINA KA PA HA! NAIINIS NA AKO SAYO... SABIHIN MO SAKIN KUNG ANONG ADDRESS MO NG MAPUNTAHAN KA NA!!" Sigaw na sabi nya at nailayo ko naman yung cellphone sa tengga ko.. problema nito?? bat ako sinisigawan.. tsaka bat nya kailangan nya tanungin ung address ko? baka rapein pa nya ako tsaka nakawan.. Mygad! natatakot na ako sa lalaking to.

"Hoy Panaginip! wag na wag mo akong sisigawan.. di ba nga sinabi ko ng gigising na ako! tsaka bakit mo tinatanong address ko? para ano? para kuhanin yung kaluluwa ko at ikulong habang buhay sa Dream World?" di naman ako tangga para sabihin sa kanya yung address ko.. may napapanuod kasi ako sa mga anime na kinukulong sila sa mga ibang mundo tapos papahirapan.. maya ano pa mangyare sakin eh..

"@$*%&! Ano ba pinagsasabi mo ha?? Anong Dream World? Putsa! Si Gramen Cade Zuriari to! Yung Poging lalaki na dineDay Dream mo." Pasigaw na sabi naman nya at bigla naman ako natauhan..

"Ohh! Hahahahahah. Hi!" napahiya naman ako sa mga pinagsasabi ko kanina.. sana di sya maturn off sakin.. huhuhu

-_____-

Ngayon alam nyo na? Ganyan talaga ako tatangga tangga minsan.. Kaya mahilig ako mag imagination dahil sa mga anime na napapanuod ko! sinira nila ang pagiisip ko. Hahaha! jk ^____^

"Anong Hi! ka jan? Anong address mo?" inis na sabi nya.

"Hehehe! Block 12 Lot 7 Sommitville Subdivision, Parañaque City."

Operation: To be Mr. Famous' Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon