** Si Luke Rence Henares po yung nasa Picture ^____^ **
"Kiersssssten!" sigaw ni Fey habang papalapit sakin.
Nagkita kasi kami ngayon dito sa SM Bacoor.. Oo, nandito na ako at papunta na dun sa GTG.. Mag shoshopping lang sya pero di sya kasama kasi wala daw syang pera nung mga time na payment day.
"Oyy! Fey." bati ko sa kanya habang kinakawayan ko.
"Waaahh! buti ka pa makakasama.. ako hindi. Ang malas ko naman" nagpapapadyak sya habang nakapouty lips.. ang cute lang nya at natawa lang ako.
"Hahaha.. sge na, mauuna na ako ha! baka malate pa ako" tumakbo na ako palayo sa kanya at dumiresto na sa Jollibe.
Pagpasok ko ang dami ng taong nakarating may mga sarili na silang table tapos may nakita akong Tarpaulin.
'We love you
Gramen Cade Zuriari'
tapos puro pictures na ni Gramen yung nandun.. Sheyyt! ang pogee talaga.
May sumalubong sakin.. Admin yata kasi may nakalagay sa name tag nya na Admin Lulu.
"Hi Miss! kasama ka ba dito? patingin ng ticket?" sabi nung Admin at nilabas ko naman yung ticket ko dun sa wallet at ibinigay sa kanya.
"Anong name mo? para malagyan kita ng nametag?" sinabi ko naman yung name ko at agad nya itong sinulat at nilagay banda sa may left chest ko. "Ayan!" nakangiting sabi nya.
"hmm.. Admin Lulu, wala pa ba si Gramen?" tanong ko sa kanya hbang palinga linga sa mga taong nandito.
"Wala pa eh! pero parating na daw sila"
"Ha? sinong sila?" nagtatakang tanong ko at tiningnan naman ako nung Lulu habang inaasikaso yung mga ticket.
"Kasama nya yung mga Kaibigan nya." di ko kilala mga kaibigan nya dahil busy ako kay Gramen.
"Ahh, ganon ba? saan ako pwedeng umupo?" tanong ko kay Lulu at tinuro naman nya sakin yung pwesto at saka ako naupo.
"Hi! ako nga pala si Talia.. ikaw?" bati sakin nung isang babae na katabi ko at nginitian ko naman sya.
"Hello! I'm Kiersten.. kanina ka pa dito?" nakipag shake hands ako sa kanya at nginitian naman nya ako.
"Kararating ko lang din.. Nakita mo na ba dati si Gramen?" tanong nya sakin.
"Mm.. Oo, Hahahah!" natatawang sabi ko at nagtinginan naman yung ibang nasa table.
Napalakas ko yata yung tawa ko.. sino ba naman kasi matatawa pag naalala mo yung first meeting ng crush mo? Hahahah ^____^
"Halaa! bat ka natatawa?" nagtatakang tanong nya.
"Hahahaha.. Ang panget kasi nung unang pagkikita namin kaya ako natatawa.. naalala ko kasi eh.. hahaha.. sorry!" natatawang sabi ko pero kita sa mukha nya na curious sya sa sinabi ko pero nakitawa narin sya.
"Hahaha. talaga? bakit?"
"Hahaa.. secret ko na yun basta!" nginitian naman nya ako at bigla nalang umingay yung mga tao sa loob..
Yung iba nagsipagtayuan.. yung iba naman nilabas na yung mga fone at ito ako nakaupo parin.. pero nung nakita ko kaagad si Gramen ay bigla akong napatayo at di ko namamalayan na papunta na pala ako sa kanya..
Palakad ako ng palakad palapit sa knya.. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko.. Di ko mapigilan ang sarili kong huminto.. Pilit akong nilalakad ng mga paa ko sa kanya..
BINABASA MO ANG
Operation: To be Mr. Famous' Girlfriend (ON GOING)
Teen FictionSi Kiersten ay isang ordinaryong babae na nagkaroon ng Crush na isang Famous sa Social Networking Sites na si Gramen. Lahat ng Profile ni Gramen sa SNS ay iniiStalk nya at tuwing may Get Together ay lagi syang kasama at Updated sya sa bawat posts ng...