Ang Simula: Onic

121 3 0
                                    


Ako nga pala si Iñigo Dominic Pascual Jr. pero hindi Junjun o Junior ang palayaw ko. Pwede mo kong tawaging Onic dahil yun ang tawag sa'kin ng daddy ko.

Matangkad ako, mapupungay ang mga mata, mahahaba ang mga pilik-mata, matangos ang ilong, manipis at mapula ang mga labi pero higit sa lahat poging binata raw ako. Tandaan, sabi nila na pogi raw ako dahil habulin ako ng mga babae pero ang totoong ako ay magandang dalaga na ang habol ay mga lalaki. Yah! With matching nganga. Yaaaah! Hahahaha. Tama ang pagkakabasa niyo. Hindi ko habol ang mga babae no. Utot nila. Yuck! Kadiri. Ewwness overload. Sila lang yung patay na patay sa'kin. Ugh! Isa kaya akong shokoy--- kung naging lalaki pero nagkabuntot ako e. Kumbaga'y naging serina ang diwata niyo at proud ako sa pagiging beki ko. Pusong bato na humantong sa pagiging pusong mamon pero hindi ako yung beking mahilig sa bonggang pak ganern na make up no. Konting foundation lang. Konting lipgloss tapos hindi ako long hair. Hindi ko taypo yun no. Ang init-init kaya sa pakiramdam. Dagdagan pa na sobrang init din ng panahon. Kaya panlalaki pa rin ang buhok ko. Yun! Mas kumportable ako sa bagsak kong buhok. Korean look ba *pout*

Pero dati hindi pa ako sigurado sa kung sino ako pero ng mainlove ako nung nine years old ako, dun ko narealize na isa akong dyosang diwata.

Naglalakad ako nun papuntang school. Syempre, pakending-kending na at pumipitik-pitik ang bewang ko.

Flashback ....

"Lalalalalala pak pak pak". Kung may kaliwa kanan kaliwa kanan kaliwa kaliwa sa C.A.T at sa ROTC, ako, ako ay may sariling version no. Kaliwa pak. Kanan pak. Kaliwa pak. Kanan pak. Kaliwa kaliwa pak pak. Pak ganern. Amp. Ang awkward ng version ko pero feel na feel kong maglakad ng ganito e. Kending-kending. Pitik-pitik pero sa mura kong edad alam ko ang c.a.t at r.o.t.c dahil sa papa ko. General kasi si papa—general tanod. Ahahahahah. Joke lang pero heneral talaga si papa---yung lolo ko. Tawag ko kasi sa kanya papa pero sundalo rin ang daddy ko.

"He is Lieutenant Colonel but sadly,hindi namin alam kung buhay pa ba siya o hindi. Sabi kasi ni Daddy Ian and Ninong Ronnie, hindi na nakabalik si dad and now, it was eight years ago pero hindi alam ni dad na ang unico hijo niya'y naging unica hija na. Hay! Bakit ba kasi napunta tayo dito? Back to the moment na nga"

"Tsss mga bully na naman", sabi ko sa isipan ko. Nag-aantay na kasi sa'kin sa loob ng school ang tatlo kong mga kaklase na lalaking bully. Oo bully sila kasi inggit sila sa pretty kong face. Pretty! Pero meron din akong side na baka taypo nila ako. Gosh pero eww. Never! Ayoko sa kanila no.

"Ibigay mo nga sa'kin ang bag mo!". Yan! Yan si Ronnie. Leader yan sa pambubully sa'kin. Kung ano kakapal ang kilay niya ay siya din kakapal ang pagmumukha nyan. Wala lang. Mema lang. Memaidagdag lang. Hahahahah ...Pero, hindi kami magkaedad niyan. Yuck! Grade 3 tapos ung edad fourteen? What the! Asan na yung magandang pagpapalaki ni Ninong Rons sa kanya? Ow well, he is my kinakapatid at galit na galit yan sa'kin dahil siguro pareho kami na Junior? Siguro? Hihih

"Ha? Ayoko nga. Bakit? Mga siraulo kayo". Painosente ko.

"Kahapon nakita kong may lipstick ka dyan". Yan! Nakakarita din yang si Charles Keiron also known as CK. Isa yan sa mga aliporis ni R2. Gosh! Masisira neto ang pretty kong face e. Maiistress lang ako neto. Magkakawrinkles.

"Anong lipstick? Wala kaya". Syempre denial pa ako no pero ang totoo meron talaga akong lipstick sa bag kahapon kaso kahapon na yun no. Mga shungak kasi e. Ambobobo.

"Akin na nga yan". Yan! Isa pa yan. Isa pa yan sa mga aliporis ni R2. Siya si Nikko at sobrang tsismoso yan. Sige lang. Hanapin niyo lang dyan ang lipstick pero puputi lang ang uwak. Nandito po kaya sa bulsa ng pants ko.

My BEKSfriend (Marnigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon