EL Uno: CONFUSE FEELINGS

78 2 1
                                    


"Iñigo!". Isang malakas na hampas ang nagawa ni Maris sa pinto ng silid-aralan namin. Naagaw niya ang atensyon ng lahat.

Nang tumingin siya sa'kin ay tinignan ko siya ng bakit-look pero bigla akong nabalutan ng takot dahil nakikita ko sa kanyang mga mata na galit siya.

Marahan akong tumayo habang may hawak akong libro at nang banggitin niya ulet ang pangalan ko ay mas lalo akong kinabahan.

"Kalerke", I murmured.

"Iñigo Dominic". Tinakpan ko ng libro ang mukha ko. Nang hablutin niya'y napalunok ako ng matigas.

Medyo nagulat ako nang itapon niya ang libro sa kung saan.

Mudra. Whaaaa! Help me.

"A-ano?"

"Hindi mo ba napansin kahapon na pinagtatawanan ako ng mga classmates at schoolmates natin?". May katigasang tanong niya pero hindi ko maiwasang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sobrang takot na ako talaga pero kahit ganoon ang nararamdaman ko ay nilapit ko pa rin ang mukha ko sa tenga niya.

"Y-yung k-kahapon? Y-yung ikaw na lang ang n-naka-nakalipstick paglabas natin ng c-cr?". Kabado ako pero laking-gulat ko nang paluin niya ako. Napakabayulente talaga ng bruhildang 'to. Tanging 'aray' na lang ang nasabi ko habang himas-himas ko ang braso ko.

Napatingin ako sa mga kaklase namin. Some of them are laughing and some of them are curious of what is happening between us.

Siraulo kasi 'tong bruhilda na 'to e but her face menacing me.

"Oo!!!". God! Makasigaw. She has a threatening quality. A quality to scared me and everyone in this room. My gosh. Nakakalerke.

"P-pasensya"

"Anong pase-pasensya Iñigo?! Oh! ...". Halos iluwa ko ang mata ko. Nasa harapan ko ang lipstick na hawak niya. Napalunok ako. Gosh! Bestfriend ko ba 'tong babae na 'to? Papahiyaan niya ba ako at ibubuking ang trulaley kong identity? "...maglipstick ka"

Bumuntong-hininga ako at naglipstick. Ang tanga kong sinunod siya kahit na alam kong mapapahiya ako dito. Oo na. Her best qualities are 'manindak' and 'manakot'. Effective nga e dahil pinagtatawanan na ako ng mga kaklase namin.

"Ok na?". I ask her with a tone of sarcasm. Tumango siya habang nakatawa.

"Hahahahahaha! Bakla! Bakla! Bakla! Bakla! Bakla!" Dahil sa pang-aasar ng mga kaklase namin ay pinili ko na lang yumuko.

Sobrang hiyang-hiya ako at habang nakayuko ako ay tinignan ko si Maris. Nagsmirk siya at binelatan ako. Siningkit ko ang mga mata ko. Humanda 'to sa'kin balang-araw.

"Students! ...". Tumahimik ang buong paligid. Gulat na gulat si miss ng makita ako. "...Iñigo what did you do to yourself? ...". Automatic na nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan ang mga kaklase namin. Kainis ang mga 'to. Hindi man lang itinuro si Maris. Porket mga takot e. Siya kaya ang saralin kung bakit nilagyan ko ng lipstick ang kissable lips ko at pinagtawanan nila ako. Gosh! Hindi na pak ganern kundi sampal ganern dahil pakiramdam ko sinampal ako sa mukha ng mga kaklase ko dahil sa pinagtawanan nila ako.

"...Onic, I am asking you"

Maris raises her eyebrow. Mukha siyang nagbabanta na 'wag kong sabihin kay miss na siya ang saralin pero hindi pala balang araw na humanda siya sa'kin kundi ngayong araw na. Gaganti ako. It's all her fault kaya. Nagpalagay siya sa'kin ng lipstick kahapon tapos magagalit? Ang arte 'di ba?

"Si Mariestella po kasi miss e"

"Uy! Anong ako?". Malumanay niyang sabi. Pwe! Mapagpanggap. Painosente pa ang siraulo.

My BEKSfriend (Marnigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon