EL Dos: KASI MAHAL KITA

39 4 2
                                    

Onic's POV

“Mwwwuuuah!”. Napanganga ako’t nagulat ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Automatic na tumayo ako. Yuck! Feeling ko ginahasa niya ako. Nakakadiri’t nakakainis.

“Rineyp mo ko”. Sabay na tinakpan ko ng dalawa kong mga kamay ang dibdib ko. Kalerke. Eeeeehhhh. Walang hiya. Pinagtawanan lang ako ng bruha. Kadiri talaga. Ewwwness overload.

Okay lang na akap-akapin niya ako kahit araw, tanghali, gabi o hatinggabi pero ‘wag niya lang akong halikan. Peste ‘tong bestfriend ko e. Nakakairita.

“Ang oa ng beksfriend ko. Kiss lang yun sa pisngi …”. Hinampas ko siya ng libro. Binatukan ko’t hinila ang buhok niya. Yan ang kabayaran sa pangrarape niya sa’kin. So disgusting ever. “…aray ko beks. Namumuro ka na talaga Onic!”

“Nirereserve ko ‘tong pesnuwa ko for Markus”. Nandiri ang ekspresyon ng mukha ni Estel. She cross her arms. Ang chaka! Hindi talaga bagay sa kanya ang kaartehan niya.

“Yuck! Mas type ako ni Markus no. ‘Wag kang umasa. Assumerang beki”. I rolled my eyes after niyang sinabi yun. I’m so wrathful. Gusto ko ng sumabog. Type daw siya ni Markus? In her dreams.

“Ahhh ganun ha?”. Pagkasabi ko pa lang ay tumakbo na siya kaagad ng mabilis.

Hinabol ko siya ng hinabol at sa unang pagkakataong muli ay naghabulan kami just like the old times pero ako naman ngayon ang naiinis at hindi siya.

Huminto siya't, "Type ako ni Markus". Sabay na huminto siya at inekstend ang kanyang mga braso.

Mas lalo akong nakaramdam nang inis sa kanya habang hinihingal ako't nakapamewang.

“Bawiin mo ang mga sinabi mo Estel!". Habang tinuturo ko siya at siya naman ay nagpamewang at bumebelat sa'kin habang kumekending-kending.

Pagkahakbang ko'y tumakbo siya kaagad nang mabilis.

Takbo takbo takbo takbo. Gosh! Ang foundation ko sa mukha, mabubura.

“Ayoko nga. Crush kaya ako ni Markus nun …”. Lumiko siya sa ibang direksyon na halos lahat na ng mga estudyante ay nakatingin sa'min. “…ako ang crush ni Maaaaar …”. Puteks! Muntikan ko na siyang maabot. Ow men! Whaa! Swiper me? Chus! “… kuuuus”. Kumaripas siya ng takbo. Wala talagang kapoise-poise e.

“Bawiin mo Estel. Ano ba!”. Sinigaw ko ang dulo. Buset kasi e.

“No beks”

Nagpatentiro kami't magkaharap na dalawa.

Patentiro patentiro ...

Belat belat belat belat ...

Pero siya lang naman ang panay belat ng belat sa’kin.

Hindi nga niya rin pansin na may napapadaan nang mga estudyante sa harapan niya't palihim siyang pinagtatawanan.

Siya pa! Patay-malesya yang bruha. Kunwaring di pansin.

Kumaripas ako ng takbo patungo sa kanya't, "Mariestellaaaa!"

“No Onic"

“YES! Ay este no Estel! Ako ang crush ni Markus …”. Sinusubukan ko siyang abotin habang tumatakbo siyang nakaatras. Ugh! Ang sarap niyang sampal-sampalin pero hinahapo na talaga ako sa kakahabol sa kanya. “…bes bawiin mo na kasi”

Huminto siya. Kaya huminto na rin ako.

Nakakahingal.

“Iñigo tanggapin mo na kasi na ako ang mahal ni Markus"

Napaatras ako ng ulo't, "Mahal agad? Sabi mo kanina crush ka lang niya"

"Soooo? ...". Sabay cross arms niya. "..tanggap mo nang ako ang gusto niya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My BEKSfriend (Marnigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon