Khaleesi
Ang text na na-receive ko kay Jeonghan saying he'll pick me up before lunch tapos kagigising ko lang ng 10 fucked me up so good. Sa sobrang bigla ko halos ma-aksidente nanaman ako sa hagdan namin, buti nalang talaga hindi. That's the last thing I need in my life right now— another cast.
Sa dami ng nakahilerang damit sa kama ko ngayon, ang pinili ko pa ding suotin ay yung summer dress na polka dots. Hindi ko naman kasi alam kung saan ako dadalhin ni Jeonghan kaya eto nalang ang sinuot ko. Idagdag mo pang magsu-summer na at umeepal nanaman yung init ng panahon.
"Hoy panget andyan na sa baba boyfriend mo." Biglang sulpot ni Wonu sa pintuan ko.
Nataranta naman ako kaagad kaya dali dali na akong pumunta sa c.r ko at sinuot yung napili 'kong dress pagka-tapos ay itinali nalang ang buhok ko ng naka-pusod at nag-suot ng sandals bago bumaba. Nakita ko naman si Jeonghan na naka-upo sa sofa namin kaya lumapit ako doon.
"Hi! Sorry, late ako nagising kaya hindi ako masyadong nakapag-ready." Sabi ko bago siya halikan sa pisngi.
Sumingit naman si Wonu. "Sus, kahit naman nagising ka ng maaga mukha ka paring di ready." Sabat niya kaya naman kinuha ko na kaagad yung throw pillow at binato sa kanya. Buti nalang talaga at sumapul iyon sa ulo niya. Kung hindi, ano naman palang sense ng throw pillow diba.
"Manahimik ka!" Banta ko sakanya bago hatakin si Jeonghan palabas.
"You look great, don't worry." Sabi niya naman habang magka-hawak kamay kaming naglalakad papunta sa kotse niya.
Ang aga aga pinapa-kilig nanaman ako netong lalaking ito. As if kagabi hindi pa sapat yung kilig na natangap ko sakanya, binubuhusan nuya nanaman ako ng pagma-mahal. Parang ang ganda ko naman yata.
Sumakay na ako sa passenger's seat habang nagsusuot ng seat belt. Ganon din ang ginawa niya bago mag-simulang mag-maneho sa kung saan.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dahil hindi niya naman talaga nabangit kung saan kami pupunta eh. "I hope somewhere not too formal, kasi hindi ako ready."
Tumawa si Jeonghan. "Oh, I'll introduce you to my dad today." Iyon lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko binaril na ako ng bazooka, binagsakan ng semento, sinaksak ng kutsilyo, hiniwa ng chain saw, nilunod sa tubig, nalaglag sa building— lahat na ng cause of deaths naramdaman ko!
"Y-You'll introduce me to your w-what?" Natatamemeng sabi ko habang tinitignan siya kung nagsisinungaling ba siya pero hindi.
"I'll introduce you to my dad."
Sinubukan 'kong kumalma pero mas nangibabaw lang talaga yung pressure. Kaya naman, "Jeonghan naman bakit hindi mo ako sinabihan na ipapakilala mo na ako ngayon?!" Napasigaw ako bigla. Pasensya na.
Tumawa nanaman siya. "Why are you shouting?"
"Eh paanong hindi ako sisigaw eh binigla mo naman ako! How am I supposed to face your father now?! Ni hindi pa nga ako nakakapag-ready ng greetings!" Sa punto na to nagpa-panic na ako.
In-imagine ko kasi na kapag ime-meet ko na yung dad ni Jeonghan , prepared na prepared na ako. Para naman maganda ang maging first impression niya sa akin at bigyan kami ng blessing as a couple. Kaso bakit ngayon?
Nakita 'kong ni-pull over ni Jeonghan ang kotse sa gilid ng daan pagkatapos ay hinawakan ang mag-kabilang pisngi ko. "Don't think na may masasabi ka para gumaan ang loob ko. Naiinis ako sayo ngayon." Deretsong sabi ko.
"Why are you so angry?"
"Anong why am I so angry? Hindi ba obvious? Gusto 'kong maging perfect kapag in-introduce mo ko sa father mo! Look! Ni hindi manlang mukhang presentable ang mukha ko! Hindi rin ako prepared kung ano ang sasabihin ko!" Pakiramdam ko mamumula na ako sa sobrang gigil. Dapat kay Jeonghan ako naiinis pero hindi ko magawang mainis sa kanya.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan [completed]
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan - [!] please be aware that this was created years ago and was poorly written therefore i recommend to read at your own discretion. this may also include insensitive remarks by characters so i'm apo...
![entice | jeonghan [completed]](https://img.wattpad.com/cover/54347955-64-k576600.jpg)