Chapter Five: Kiss in the Rain

28 2 0
                                    

As soon as nakatalikod na ko sa kanya, sa kanila, nagsimula nang tumulo yung mga luha ko. Hinayaan ko lang silang tumulo habang naglalakad ako. Naglalakad sa kung saan ako dadalin ng mga paa ko. Naglalakad palayo sa kanya. Para matakasan yung sakit. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapagod yung paa ko. Hanggang sa mamanhid na sa sakit yung puso ko.

Kakalakad ko, napunta ko sa isang park. Hindi ko alam kung anong meron sa park pero I find it so peaceful. Dapat uupo ako sa isa sa mga swing, kaso ayoko, naaalala ko sya.

Sa see-saw, ayoko nagganyan din kami dati eh. Bakit kahit saan ako pumunta, kahit saan ako tumingin naaalala ko sya? Samantalang ni hindi man lang yata ako sumasagi sa isip nya. Nakakatanga lang pag ganun.

Umupo na lang ako sa taas ng slide since wala naman kaming memories dun pero shet lang kasi yung utak ko sya padin yung iniisip. Pinagtitinginan na ako nung mga tao. Paano ba namang hindi, bukod sa andito ko sa tuktok ng slide e naka uniform ako kaya alam nilang college na ako, tapos humulas na yung make-up ko dahil sa kakangawa. Nakakahiya talaga. Pero hinayaan ko nalang. Wala silang paki. Nagdadrama ko e. Kung sila man din ma-broken hearted, alam kong malala din gagawin nila. At least ako weird lang magluksa.

"Princess, baba ka na jan!"

Hindi ko alam kung anong ir.react ko pagkakita ko kay Ezekiel. Naghahalo halo yung emosyon ko-tuwa, kilig, natouch, appreciate. Pano ba naman kitang-kita ko yung pagka pagod at haggard sa mukha nya. Sinusundan ba nya ko mula kanina? Tapos andami nya pang dala. plastic bags na puro chichirya saka beer, tapos may hawak din syang 2 dirty ice cream, saka 1 malaking cotton candy sa kabilang kamay. Madami ding mga lobo na nakatali sa bag nya. Bumaba nalang ako habang umiiyak na naman na syang ikinataranta ni Ezekiel.

"Princess. Stop crying please. Mamaya papayagan naman kitang mag crying marathon e. Wag ngayon, ang dami kong dala e. I can't comfort nor wipe your tears."

Tapos bigla syang nagpout kaya natawa ako.

"Haha. E bat kasi ang dami mong binili? Saka bakit parang pagod na pagod ka? San ka ba galing?"

"E kasi naman po, akala ko matagal ka pang maglilibot sa mall kaya namili muna ko ng mga kutkutin saka maiinom para sa iyakan session natin mamaya. Kaso pagbalik ko, wala ka na. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Napaparanoid pa ko, ang dami kong naiisip na pwede mong gawin dahil broken hearted ka. Buti nalang may dumaan na nag-uusap tapos nabanggit nila yung salitang locate. Kaya ayun, naisip kong i locate yung phone mo para malaman ko kung nasaan ka. Nagmadali akong pumunta dito, tapos sa labas palang nakita na kita kaya alam kong okay ka lang. Kaya binili ko muna tong balloons, ice cream, saka cotton candy. I know these would cheer you up. :) "

After his long speech, wala na. My heart melted. Nangibabaw na yung kilig and all I want to do is to hug him so tight but I can't. So I ran to him, I grabbed those ice creams and the cotton candy, walked away from him but not that far, leaving him puzzled at my actions. But he remained watching me intently, as if waiting for my next move.

Buti may mga bata na naglalakad papunta sa way namin kaya nadispose ko kaagad. Nung napamigay ko na, nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.

"Di mo ba gusto yung mga yun? Bat mo pinamigay? Sorry. Di ko kasi alam kung anong gusto mo eh."

"Hindi kita nakikita pero alam kong nakasimangot ka. Gusto ko yung mga yun pero sagabal sila e. Mas gusto kong i-hug ka ngayon. Salamat. Salamat sa lahat. Hindi ko alam kung kakayanin ko pag wala ka sa tabi ko ngayon Zeke."

Ang tagal namin sa ganung pwesto. Okay na sana kaso biglang bumuhos yung ulan. Tatakbo na sana siya sa silong pero pinigilan ko sya. Bat pa sisilong e basang-basa na din kami, useless lang. So inenjoy na lang namin yung ulan. Para lang kaming bata na naghahabulan dun sa park, siguro kung may makakakita samin, magmumukha kaming tanga sa paningin nila, pero wala kaming pakialam. Masaya kami sa ganun eh. Never let anyone ruin your happiness diba?

Niyayaya niya ako na mag see-saw kami, umiling lang ako. Umupo sya dun sa isang swing tapos pinapaupo nya ako dun sa kabila, but again I refused. Siguro naintindihan niya yung reason ko kaya hinayaan nya. Pero kahit konti lang yung ilaw sa park, naaninag ko na nalungkot yung mukha nya. Napayuko ako nung naisip ko na ang damot ko. Ang dami nyang nagawa para sayo tapos yung mga simpleng request niya di mo mapagbigyan? Ang ganda mo na masyado Mariel ah.

Papunta na dapat ako sa kanya pero nakatayo na pala siya sa harap ko. He's offering his hand. I took it and he led me to the swing.

"Zeke..."

"I know. Basta upo ka lang. Sabi nila, our mind cannot forget. We tend to forget things only when something better took place. I want to be that something better. Please let me. We'll create new and more beautiful memories."

Instead na umupo, napaiyak nalang ulit ako. Niyakap nya naman ako agad.

"Sorry ang iyakin ko."

"Okay lang yan. Kaya nga andito ako eh. Ako yung magpapatahan sayo. Saka hindi naman halata e. Kasi malakas pa yung ulan. But Princess, after tonight I can no longer tolerate those tears ha? Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan pag umiiyak ka."

"Sorry."

"Shhh. Tahan ka na."

Hindi ko alam what's with those words, pero pag sinabihan ka ng ganun, mas lalo kang iiyak. Kahit anong pigil pa yung gawin mo, hindi mo maaawat yung pagbuhos ng mga luha mo. Pinunasan nya yung luha sa mga mata ko, and then he kissed me on the forehead.

"Please let me make you happy from now on Sabrina Marielle Elizalde."

If You're Not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon